Chapter one hundred four JAKE’S POV’S Pagkalabas ko sa ospital dumiretso talaga ako kay Fhaida, ayoko kaseng ituloy niya yung annulment, alam kong hindi niya yung inasikaso noon dahil ayaw niya kaming maging masaya ni Ava pero ngayon, nararamdaman ko na, gagawin niya na makipaghiwalay ng legal sa akin. Ako naman ang may ayaw dahil gusto ko na talagang bumalik kami sa dati. Pinaglalaban ko lang naman kung anong akin, kaya ako sumugod sa restaurant ni Lance, kaso inaalala ko rin si Fhaida kaya umalis na lang ako. Pinigilan ko ang sarili ko dahil kay Fhaida ng makita ko siya kanina, hindi ako umalis dahil kay Ava. Wala lang talaga akong ibang mapuntahan kaya ako nakikitira kay Ava pero ngayon desidido na akong umalis sa poder niya. Wala ang daddy at ang step mother niya dito. Kaming t