Chapter one hundred eleven AVIANA’S POV’S Akala siguro ni Fhaida magiging masaya buhay niya dito at mananahimik lang ako, sakto kaseng wala si Lance ngayon kaya bumawi ako sa kanya. Hindi ko naman akalain na makikita kami ni daddy kaya naginarte ako. Kaso mukhang ako pa ang mapapagalitan dahil tinawag ako ni daddy para makausap ng masinsinan. Si Jake naman nasa kwarto, nagshoshower siya kaya hindi niya nakita yung nangyari sa amin ni Fhaida. Sumunod lang ako kay daddy sa kwarto niya. “ Bakit po?” “ Ava, ikaw ang panganay dito, sana naman hindi ikaw ang sinusuway dito.” “ Bakit ka ganyan sa akin daddy? Ako na nga itong sinaktan ni Fhaida, sa akin ka pa galit? Nakita mo naman diba? Tinulak niya ako.” “ Naririnig ko kayo kanina pa, hindi ako tanga anak.” Nanahimik ako dahil nakita p