Chapter thirty seven LANCE POV’S Lumabas agad ako para tignan kung si ate ba yung dumating, at hindi nga ako nagkamali, sasakyan niya yung nagpark. Ang aga ata niyang umuwi ngayon? Ang akala ko si ate lang ang dumating pero may kasama siyang lalake, siya ba yung boyfriend niya? hindi ko na kase mamukhaan. “ Ang aga mo umuwi?” tanong ko kay ate. “ Dito kase kami magdidinner ni Jake.” Sakto namang lumapit sa amin yung Jake, mas pogi naman ako dito. “ Jake si Lance yung bunso namin.” “ Bunso nga ako pero mas matangkad naman kesa sayo.” “ Lance ah.” Suway ni ate. “ Nagsasabi lang ng totoo, nice to meet you Jake.” Kinamayan niya ako. “ Nice to meet you din.” Ngayon lang kami ulit nagkita nitong Jake, siya yung boyfriend dati ni ate, siya yung bukambibig niya palagi noong nag aaral ka