Chapter 8

1640 Words
Nakaligo na ulit ako. Pero iyong bathrobe ulit ang suot ko. Hindi pa naman mabaho kaya ayos lang, wala din naman akong choice. Mas okay na ito kaysa magbalot ako ng kumot. Buti sana kung hindi ako lumalabas ng silid. Pagkatapos tuyuin ng bahagya ang aking buhok, lumabas ako upang masimulan ng magluto ng tanghalian. Nakasalansan ang mga pinagkainan sa lababo. At ang mesa ay pinupunasan ng isa sa mga tauhan. Iyong Pinoy. "Hi," bati ko sa lalake. Sumulyap lang siya, pagkatapos ay tinuloy niya ang kaniyang ginagawa. "Ano pala ang pangalan mo?" Nilabas ko ang mga rekado at sinimulang hiwain. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa din siya sumasagot. "Hindi ka talaga nagsasalita? Bawal ba kayong magsalita?" "No. But I choose not to answer your questions." "Oh... Grabe ka naman. Gusto ko lang namang makipagkuwentuhan." Nagkibit balikat ako. "Ako pala si Candy. Lumaki ako sa Pinas. Isang magsasaka at teacher ang aking ama. Ang nanay ko naman ay isang nurse." "Patay na si Mommy. Nasa dalawang linggo na din mahigit ang lumipas mula nang mamatay siya sa sakit na cancer." Ano'ng petsa na pala ngayon? Hindi ko na alam dahil sa mga nangyari at sa ilang araw na pagkakakulong ko. "Naubos ang ari-arian namin dahil sa pagpapagamot sa kaniya. Tapos namatay pa rin naman siya." Malungkot akong tumanaw sa may bintana. Bumuntong hininga ako bago ko tinuloy ang paghihiwa. Tinuloy ko din ang pagsasalita, kahit pa mukhang hindi siya interesado sa kuwento ko. Gusto ko lang magsalita. "Binenta ni Daddy ang natitira sa ari-arian namin at nagpunta kami ng Malaysia. Sa Malaysia siya noon nagtrabaho ng binata pa siya. Ang akala ko gusto lang niyang mag-move on sa pagkamatay ni mommy, pero tinatakasan pala niya ang pinagkakautangan niya." Malinis na ang mesa pero patuloy pa din sa pagpupunas ang lalake. Siguro, nakikinig siya kaya hindi niya napansin na sobrang kintab na ng mesa na kanina pa niya pinupunasan. Dapat makuha ko ang loob ng mga tauhan. Baka sakaling matulungan nila akong umalis dito. "Namatay din si Daddy. Natunton kami ng mga pinagkakautangan niya. Masamang tao pala sila. Tapos napunta ako sa casa. Iyong pinagkuhanan niyo sa akin noon." Nilapag ng lalake ang basahan saka naghugas ng kamay. Tumalikod siya pagkatapos. "Nasa Malaysia pa din ba tayo?" pahabol kong tanong, nagbabasakali na sagutin niya. Tango ang tinugon niya at nagpatuloy na sa paghakbang paalis. Parang marami-rami din ang isla dito sa Malaysia. Ano'ng isla kaya itong kinaroroonan namin? Kailangan kong alamin. Kaso, kahit naman malaman ko hindi iyon makakatulong. Kailangan ko ng celphone o kaya mapa. Habang hinihintay na maluto ang ulam, niligpit ko na din ang mga kalat ko. Nagawi ang mga mata ko sa isang malaking supot ng betsin. Hindi kami gumagamit ng betsin sa bahay, dahil ayaw nina Mommy at Daddy. Nahihilo kasi sila. Nang isang beses na nagbigay ang kapitbahay namin ng pagkain na puno ng betsin, nakatulog si Mama. Napangisi ako nang may pumasok na magandang ideya sa aking utak. Magagamit kita. Tinawag ko ang mga tauhan para kumain na. Unang pumasok ay iyong cool na lalake. "Wow!" puri niya sa pagkaing nakahanda sa hapag. "Thanks!" "Welcome... By the way, what's your name?" Tinaasan niya ako ng kilay. Nananantiyang tumingin sa akin. Ba't ba pati pangalan pinagdadamot ng mga lalakeng 'to? "I'm Candy by the way." Tumango lang siya. "Sphinx..." "That's your name? Nice!" Ngumisi lang siya. Nagsandok na siya ng pagkain at sinimulan ng kumain. Nagsisipasok pa lang naman dito sa kusina iyong mga kasamahan niya. "How long are we gonna stay here? Don't you have any plans to move to the city or— "Why are you asking?" tanong ng baritonong boses na kapapasok lang dito sa kusina. Tutok na tutok ako sa mga tauhan na kumakain, kaya hindi ko namalayan ang pagpasok ni boss. "Nothing. And I think I deserve to know." Tinaasan lang ako ng kilay ng boss. Tinignan niya ang mga pagkain, bago binalik ang mga mata sa akin. Nagtapang-tapangan naman akong tumitig sa kaniya. "We're running out of food... And are we gonna stay here for long? For how long?" Nagkatinginan si Boss at Sphinx. Tingin ko kanan o kaliwang kamay niya si Sphinx, dahil kaswal siya nitong kausapin. Nagsasalita si Sphinx ng lengguahe na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung Italian o Portuguese. Mukhang tungkol sa akin ang pinag-uusapan nila. Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila tungkol sa akin kung ganoon? "I don't have any panty. I am not wearing a panty." Manghang tumingin sa akin ang mga lalake. Si Sphinx naman ay may sumupil na ngisi sa mga labi. At si boss naman ay tumapang pa ang awra. "Go to your room," matigas niyang utos. "I don't have something to wear. I've been using this bathrobe for how many days now," reklamo ko. Kung aalis sila, sana man lang magpabili si boss ng damit ko. "Don't you know how uncomfortable not wearing anything inside this bathrobe? This is so— "In your room... Now!" putol niya sa sinasabi ko. Madilim ang kaniyang ekspresyon at ang panga ay bahagya pang gumalaw. Kinuha ko ang plato na may lamang pagkain at nagdadabog na parang bata na nagtungo sa aking silid. PAGKATAPOS kong kumain, natulog ako. Hapon na ng magising ako dahil sa tunog ng bangkang de motor. Umalis sila. Sino kaya ang naiwan dito? Sisilip lang sana ako sa labas ngunit pagbukas ko ng pintuan, sakto namang lumitaw si boss. Napatili tuloy ako. Walang reaksyon ang kaniyang mukha. Tinignan niya ang kabuuan ko. Ang puting roba na ilang araw pa ay maninilaw na dahil hindi pa nalalabhan. "Where are they going? Are they going to buy some food? How about my clothes?" Umingos ako dahil hindi pa din ito nagsasalita. Pumasok siya sa loob at dumiretso sa banyo at naligo. Lumabas na din ako upang ihanda ang lulutuin para sa hapunan. Habang nagluluto, sinabi ng iba sa tauhan na mag-iinuman daw sila, kaya magdagdag daw ako ng pulutan sa aking lulutuin. Muli kong naalala ang plano ko. Habang hinahalo ko ang aking niluluto, palinga-linga ako sa aking paligid. Binuhos ko ang ilang gramo ng betsin sa kanilang pagkain. Ang ilang bote ng alak na nasa gilid ay hinaluan ko din nito. Kung hindi ako nagkakamali, kapag napadami ang lagay ng betsin sa pagkain at sa inuming alak, makakatulog ang sinuman na kakain at iinom nito. Alas-otso nang kumain sila. Naiinip naman akong naghihintay sa sulok. Pinagmamasdan ko sila ng maigi habang naghihintay ng tamang tyempo para makapaglibot sa buong lugar. Matapos kumain, nag-inuman sila sa balkonahe. Binilang ko silang lahat. Nasa dalamput lima sila. Sumilip ako sa bintana, sa may likod ng bahay—ngunit wala akong ibang nakita na tao. Ibig sabihin, silang twenty five ang naiwan dito. Ang iba ay umalis kanina. Naubos nila ang isang bote ng alak at napangalahatian din nila ang pulutan. Pansin ko na may mga tama na sila, or should I say— tumatalab na iyong nilagay ko na madaming betsin. Sinamantala ko ang pagkakataon at agad akong lumabas sa pintuan sa may kusina. Maingat ang bawat hakbang na ginagawa ko habang palinga-linga sa paligid. Pagkaraan ng ilang minuto, nakarating ako sa dulo ng bahay. Malapit na ako sa may batuhan na may ilang metro ang layo sa dalampasigan. Malamig at malakas ang ihip ng hangin na dumadampi sa aking balat, na nakakadagdag sa pagkataranta ko. Madilim kaya hindi ko kita ang mga karatig na isla. Dapat pala sa araw ko 'to ginawa. Pero hindi na bale, may natira pa naman sa betsin. Lumiko ako at naglakad sa may batuhan. Tinignan ko kung may bangka na puwede kong sakyan. Ngunit wala akong makita. Paano pala kapag may emergency? Hindi sila makaaalis ng basta-basta dito. Paano kung may sumugod na kalaban? At mapuruhan ang grupo nila? Masyado na yata akong nagtagal. Kailangan ko ng makabalik bago pa nila mapansin na nawawala ako. Hindi sila puwedeng maghinala sa akin, dahil tiyak na ikukulong ako ni boss kung nagkataon. Mas lalong magiging malabo ang pagtakas ko. Nalampasan ko na ang batuhan nang biglang lumitaw ang isang bulto ng matangkad na lalake. Napatalon at napatili ako dahil sa gulat. "Planning to escape?" Bagamat nanunuya, bakas ang galit sa kaniyang boses. "H-Hindi, ah. Nagpapahangin lang ako. Ang sarap ng hangin dito sa labas. Ang fresh at saka—ah!" Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila ako pabalik sa bahay. "Hindi nga ako tatakas. Ano ba?! Bitiwan mo ako! Wala naman akong ginagawang masama, e!" Pilit kong hinihila ang kamay koz pero mas hinigpitan lang niya ang pagkakahawak. In the end, I just let him drag me until we reach the house. Nagtataka ang mga tauhan habang nakatingin sa amin. Nilagpasan lang sila ni boss. Hinila ako nito hanggang sa loob ng bahay. "Wait lang! Kung ano man ang pinaplano mong gawin. Please lang, huwag..." Sinara niya ang pintuan ng silid ko. Tinulak niya ako sa kama at inibabawan. "Please, huwag..." Napapikit ako ng halikan niya ang aking tenga. Natatakot ako pero ang aking katawan ay tila iba naman ang nararamdaman, lalo na ng dilaan niya ang aking tenga. Tinulak ko siya. "Ano ba?! Ayaw ko nga! Pakawalan mo na lang kasi ako, please. Please..." Tinigil niya ang kaniyang ginagawa, ngunit nanatili pa din siya sa aking ibabaw. Nang kumalma ako nang kaunti, muli akong nagsalita. "Kapag nagawa mo ba ang gusto mo sa akin, pakakawalan mo na ba ako? Would you let me go? Are you going to free me?" Hinalikan niya ang aking leeg kaya napatingala ako. Sige, para matapos na. Hahayaan ko siya sa gusto niya. Pagkatapos nito, wala na akong pakinabang sa kaniya. Pakakawalan na niya ako. Napahalinghing ako nang dilaan niya ang aking leeg pababa sa aking collarbone. Naglakbay ang kuryente sa aking katawan, kasabay ng paggapang ng kaniyang kamay, mula sa aking balakang papunta sa aking mga hita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD