ABALA SI YVETTE sa pagtatanim ng halaman sa paso kasama ang biyenan niyang babae nang may mga brasong biglang yumakap sa kanya mula sa likuran. "Hi, Mommy!" Bati ng triplets at hinalikan siya sa pisngi. "Hi, Triplets." Bati niya sa mga anak niya. Pumunta naman ang mga ito sa kanilang Mommy La at humalik sa pisngi nito. "How's your day, Triplets?" Tanong ni Mommy Elaiza. "It's fine, Mommy La." Sagot ni RA. "We have exam today." RV said. "And we got perfect scores!" Masayang sabi ni RK. "Wow! Ang talino ng mga apo ko, ah." Sabi ng biyenan niya. "Of course, Mommy La. Mana kami kay Mommy at Daddy." Sabi ni RA. Napapangiti na lang siya habang nakikinig sa usapan ng mga ito. Ipinagpatuloy niya ang pagtatanim ng halaman nang may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran at hinalikan ang

