HINDI MAPIGILAN ni Yvette na mapailing habang nakatingin kay Russell at Rayven. Namumutla ang mga ito samantalang ang mga triplets at ni Rheenabelle ay mababakas sa mukha ang saya. Sumakay lang naman ang mga ito sa mga iba't-iba at nakakalulang mga rides kasama si Russell at Rayven. Well, hinila ng Triplets si Rayven kaya pati ito ay nadamay na sumakay sa mga rides dito sa amusement park. Habang siya umupo lang siya sa isang bench at hinintay ang mga ito. Hindi siya pwede dahil madali siyang mahilo. "Daddy, sakay ulit tayo sa roller coaster!" Hirit ni RK. Mas lalong namutla si Russell. "It's fun!" Dagdag pa ni RA. "We should try merry-go-round." Relle said. "Yeah, 'yon ang hindi pa natin na-try." Sabi ni RV. "Let's rest first, kids." Sabi ng asawa niya at umupo ito sa tabi niya. H

