Chapter 36 3rd Person's POV 7pm na. Sa kalkula ni Kian maaring isang oras na sila mahigit na naglalakad ni Summer. Nakaupo sila ngayon ni Summer sa bench at umiinom ng binili niyang hot coffee since malamig talaga ng gabi na iyon. Nilingon niya si Summer na nakaupo sa kabilang bench at nakakulong sa mga palad ang can ng kape. "Huwag mo sabihin na maglalakad din tayo pabalik," ani ni Summer. Lumingon ito kay Kian na natawa. "Don't worry. Sigurado na maya-maya darating dito si Elliot at sina Kiel," ani ni Kian. Binuksan niya ang can ng coffee ngunit bago niya mainom iyon ay mga sasakyan na ang dumating. Napatingin ang mga tao na napadaan. Bumaba si Kiel then sumunod si Sylvia. "Summer!" Napatayo si Summer. Agad siya niyakap ni Sylvia na naiiyak. Isang sapok naman ang bumungad