Chapter 43 3rd Person's POV Parang nababaliw si Kiel na tumawa. Naliligo siya sa sariling dugo kasama sina Ward. Nandoon din ang black circle na kasaluluyan na hindi makagalaw. May hawak itong phone at nage-echo sa buong venue ang boses ng kakambal niya. 'Sasabihin! Putangina mo! Hinding-hindi ko sasabihin!' 'Kahit sabihin ko sa inyo hindi niyo mapapatay ang Kiel! Hindi niyo ako mapapatay!' 'Patayin niyo 'man ang katawang lupa ko hindi niyo ako tuluyan mabubura hangga't nandiyan si Kiel!' 'Mga hayop kayo! Kahit patayin niyo ako hindi niyo mapapabagsak ang mga Villiegas! Papatayin kayong lahat ni Kiel at walang sino 'man ang mabubuhay sa inyo!' Naririnig sa background ang paglalaban ni Summer at pagmumura ni Kiel. Kitang-kita ni Kiel sa video kung paano binaboy ng tagapagmana ng m