Chapter 34 3rd Person's POV "Sa mundo na puno ng kaguluhan— nahahanap ko sa tabi mo ang tunay na kapayapaan. Sa iyo ko nakita ang halaga ng buhay." Napatigil si Kiel noong pagtingin niya kay Sylvia natutulog na ito habang nakayakap sa katawan niya at nakahilig sa dibdib niya. Naibaba ni Kiel ang hawak na libro. Nakasandal ngayon ang lalaki sa headboard ng kama habang parang bata na nakatulog si Sylvia sa dibdib niya. Nakatitig si Kiel sa mukha ni Sylvia habang hawak nito ang dulo ng buhok ni Sylvia at nilalaro iyon gamit ang mga daliri niya. Pagdating ng umaga— nagising si Sylvia. Pagmulat niya ng mata— bumungad sa babae ang gwapong mukha ni Kiel. Nakatagilid ito at nakaharap sa pwesto niya. Napakurap si Sylvia— ngayon niya lang kasi nakita ng malapitan ang mukha ni Kiel at iyon