Chapter 50 3rd Person's POV "Ward, kuhanin mo lahat ng impormasyon about sa mga Cervantes," Utos iyon ni Kiel. Napatigil si Kiel matapos lumapit si Ward na may hawak na maraming envelop. Hawak na iyon ni Ward pagpasok pa lang ng opisina niya. "Nandiyan na lahat boss. Pati na din iyong matandang nang-harassed kay miss Sylvia. Papunta na din iyong lawyer na mag-aasikaso sa case ni miss Sylvia at magbabalik ng bahay kay miss Sylvia. Kinuha ko na iyong pinakamagaling na lawyer at sinusundo na niya ni Nexus." Ngumiti ng malapad si Ward. Hindi na nakapagsalita si Kiel. Masyadong active si Ward ngayon sa trabaho niya. "Boss, pagkatapos noong case at makuha ni miss Sylvia iyong bahay— maaari ba namin maka-heart to heart talk ang ama ni miss Sylvia?" tanong ni Ward. Nakangiti ang lalaki.