Chapter 28 3rd Person's POV "Hindi natin mapapasok dito ang sasakyan. Kailangan natin maglakad," ani ni Sylvia. Pinarada nila ang van sa parking lot sa isang subdivision since wala silang paparadahan sa isang eskinita. Bumaba si Sylvia ng sasakyan matapos siya pagbuksan ni Leon at alalayan pababa. Sumunod si Kian at si Elliot. Bumaba na din si Abel. Actually, hindi na dapat kasama sina Abel pero nagpumilit ang mga ito at sinabing boring ang university kapag wala si Sylvia kahit ang totoo ay nabo-boring sila sa university at sa mansion. Tinahak ni Sylvia ang daan patungo sa bahay ni Summer. Isang eskinita lang iyon at ang dami talagang nakatira. Napangiwi si Sylvia at pilit na tinatago ang mukha. Ang daming marites doon at ngayon ay pinagtitinginan sila. "Hi pogi." May kumapit