Chapter 46 3rd Person's POV "Si Leon, boss," sagot ni Elliot. Nabatukan ni Abel si Elliot. "Hindi boss— sabi ni Leon baka daw buntis si miss Sylvia," sagot ni Abel. Napatigil si Kiel then nilingon si Sylvia na nasa lamesa. Lumapit si Kiel kay Sylvia na ngayon ay nakatitig sa pagkain. Tinanong ni Kiel si Sylvia bakit hindi ito kumakain. "Hindi ko alam kasi kung alin dito unang kakainin ko," sagot ni Sylvia. Nakatingin ang babae at nakatingin sa maraming pagkain na nakahain. "Madam, ito na ang adobo mo na walang toyo," ani ni Caith. Dala ang isang lalagyan. Ibinaba iyon sa lamesa. "Adobo!" Nakatitig lang si Kiel. Tinanong ni Kiel kung buntis si Sylvia. Naibuga ni Sylvia ang kinakain at naubo. Nataranta si Caith at inabutan agad ng tubig si Sylvia. "Buntis? Buntis ako?" tanon