Chapter 1

886 Words
DAHLIA POV "Dahlia? Dahlia Maxine Desiderio!" Napaangat ako sa inuupuan ko ng tawagin ako ni Thana. "Oh my gosh, Thana! Aish! Huwag mo nga akong tawagin sa buong pangalan ko! Baka may makarinig sa'yo!" Suway ko rito. Nandito kasi kami sa Mall, dito niya piniling magkita kaming dalawa. P'wede naman sa bahay ko or sa bahay nila. Ah, Oo nga pala, bumalik na galing abroad iyong kuya niya. Sa bahay naman namin baka maabutan namin iyong ibang konsehal, minsan kasi roon ginaganap iyong meeting nila na dapat sa munisipyo ginagawa. "Why you're so lutang yata today, Dahlia? Ang daughter ng magaling na Mayor sa bayan na ito ay lutang ngayong araw. Magkaaway na naman ba kayo ng kuya mo?" Pagtatanong nito sa akin at umupo sa tabi ko. "Thanks!" Dugtong nito ng makita ang inorder ko na cappuccino latte, paborito niyang kape sa Starbucks. Umiling ako sa kanya, "nope. Hindi ko na siya pinoproblema, Thana. Malaki na iyong kuya ko, bahala siya kung maghabol siya sa ex niyang mukhang hipon." "Hindi pa rin ba nakaka-get over iyong kapatid mo roon? Like eww. . . Hindi naman kagandahan katulad natin." Hindi ko alam kung anong gayuma ang ginamit ng babaeng iyon sa kapatid ko. Ilan beses na nahuhuli ni kuya na may kalandian iyong Yassi na 'yon pero pinapatawad pa rin. Nakakainis! Minsan nga ako na ang nagbibigay pictures and videos kung saan may kahalikan iyong Yassi na iyon. Pero, wala. . . Walang effect sa kanya, pinapatawad pa rin. Iba talaga siya magmahal. Magkaiba kaming dalawa. "Anyway, Dahlia! Parehas naman tayong sawi today. . . Why not pumunta tayong club today? What do you think?" Agad akong umiling sa kanya. Naalala ko na naman iyong nangyari last day. Nagkaroon ako ng one night stand sa hindi ko kakilalang lalaki. T-tapos. . . May tattoo pa siya! Ayoko sa lahat iyong may mga tattoo, alam kong art iyon pero para sa kanila pero iyong sobrang dami na parang ang dumi na sa katawan. "Hindi tayo pupunta sa kahit anong club, Thana! Huwag mo ring sabihin sa aking hiwalay na rin kayo?" "Yes!" Proud na sabi pa nito sa akin. "Seryoso ka ba? Ano na naman ang nagawa nu'n?" Pagtatanong ko rito at sumipsipsip sa iniinom ko. "Wala. . ." Wala? Sobrang bait nu'ng boyfriend nito kaysa roon sa ex kong mukhang sugpo! "Inatake ka na naman ba ng. . ." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng sumagot agad siya. "Ayaw niya kasi akong bilhan ng Burberry handbag! Gusto ko iyon, Dahlia! Ang mura lang naman, e. Ayaw niya kong bilhan!" Pagmamaktol nito sa akin. Kaya siguro kami niloloko kasi may pagka-isip bata pa kaming dalawa. Kung anong gusto namin dapat masusunod agad. "Magkano naman iyon? Alam mo namang si Alaric, nagtitipid ang isang 'yon, Thana. Swerte mo nga kay Alaric stick to one lang talaga siya sayo." Nag-pout ito sa akin, ginagamit na naman niya iyong charm niya, "hindi ko nga alam ba't nagtitipid ang isang iyon." Sumandal ito sa kanyang upuan, "siya naman magmamana ng business nilang liquors." "Gayahin mo kaya si Alaric. . . Kung ako sa'yo Thana, tawagan mo na si Alaric baka magulat ka sinusulot na niyon ng bestfriend niya." Napatingin siya sa akin at agad na kinuha ang kanyang phone. See? Takot din maagawan ang gaga. Si Alaric lang naman ang isa sa mga sampung loyal na lalaki sa buong mundo, kaya bakit mo iiwanan ang gano'ng ka-loyal? Nagulat ako ng mag-vibrate ang phone ko, Si Daddy. Ano na naman pakay ng isang ito? Baka na naman may irereto na naman siyang anak ng mga councilor or anak ng mga business partner namin. Wala naman pumapasa sa mga taste ko. Puro, playboy kasi. Mga anak mayaman, e. "Hello, Dad!" Bungad ko sa tawag. "Where are you, Maxine?" See? "We're in the Mall, Dad. I'm with Thana." "Come home, Maxine, your Mom is waiting at you. And, you have a new bodyguard. Tinakasan mo na naman ang mga body guard mo." Lagot. Bakit kasi kailangan may bodyguard din ako? Hindi naman ako kilala except kapag binigkas ang buong pangalan ko. Desiderio. Ass. "Okay, Dad. Pauwi na po ako." Sabay baba ko ng tawag. Nakita kong lumingon sa akin si Thana, "pinapauwi ka na agad ni Tito?" Tumango ako sa kanya, "may bodyguard na naman ako. Pinapauwi niya ako para ipakilala iyong bagong bodyguard ko. Saka, hinahanap ako ni Mom alam mo naman iyon. . ." "Favorite ka kasi ni Tita. Oh sige, ingat ka ha sa pagda-drive ha?" "Hindi ka sasama?" "Hihintayin ko si Alaric, Dahlia. Okay na kaming dalawa, e. See you tomorrow!" Sabay kaway nito sa akin. Great. Nagdrive ako pauwi sa bahay namin, sumalubong sa akin ang mga bodyguard ni Daddy. "Where's Dad?" I asked sa kanang kamay ni Dad. "Nasa meeting room, Ms. Dahlia." Ani nito at sinamahan ako papunta roon. Binuksan niya ang pinto at nakita ko roon sina Dad, Mom at iyong isang lalaking nakayuko. Siya siguro iyong bagong bodyguard ko. Umupo ako sa tabi ni Mom, "Hi, Mommy!" Sabay halik ko sa kanang pisngi niya. "Finally, tapos na ba ang bonding niyo ni Thana, Maxine?" Tumango ako sa kanya. Maxine ang tawag nila sa akin. Sa mga friends ko Dahlia, mas prefer ko iyon. Sinilip ko ang mukhang nu'ng lalaki pero nakayuko siya. Mahiyain? "Maxine, this is your new bodyguard. He's Thunder. . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD