Phoenix POV... Nandito na kami sa kagubatan kung saan namin huling nakita sila Leo. "Dito ba?" Sabi ni Cathy sabay tingin sa paligid. Tumango naman kaming tatlo. "Tama si Phoenix, Baby. Dito namin huling nakita si Leo." Sabi ni Gunner sabay akbay kay Cathy. "Mabuti pa maghiwalay hiwalay tayo. Pares natin ang mga partner natin." Sabi ni Stephanie. Napatango naman sila. "Walang pares si Phoenix." Agad na sabi ni Joana. Napatingin sila saakin. "Kaya ko na sarili ko. Kung nakita niyo siya magbigay kayo ng sign." Sabi ko sa kanila at tumalikod na. Pero bago ako lumakad nagsalita muna ako. "Wag muna kayong maglandian hanapin muna natin sila." Sabi ko at nagteleport na. Napunta ako sa taas ng puno. Hinahanap kung may bahay ba dito o wala. Nang may nakita akong bahay na kahoy lang kaya pu