Chapter 2

1058 Words
Anastasia Estelle POV... Nakatulala ako habang naglalakad papuntang pagtatrabahuan ko. Nang makarating na ako sa restaurant nakita ko ang amo ko na lalaki na kaibigan ko din naman ito kaya nga ako nakapasok dito. Bestfriend ko toh eh. "Hoy, may problema ba?" Ganyan talaga tawag saakin tong lalaking toh. Tumingin ako sa kanya at tumango. "Hay, yung mala stepmother at stepsister ba ni Cinderella ang problema mo?" Nakakunot niyang sabi. Napailing naman ako at umupo sa upuan na katabi niya. "Hindi, about sa isang lalaki." Natahimik naman ito panandalian sa sinabi ko. "May nangligaw ba sayo? Wow first time! Wag mong sagutin ang mga yan baka pinaglaruan ka lang nun." Agad na sabi niya. Napatingin ako sa kanya. "Grabe naman ganun agad? Di yun ang problema ko may malaki akong kasalanang ginawa at tanging kaluluha ko ang kabayaran whaaa!" Sabi ko sa kanya tinakpan naman niya ang baba ko. "Wag ka ngang umiyak ng malakas akala nila na pinaiyak kita. Tsk. Teka sino ba yang lalaking yan? President ba? Hari ba siya? Ano gusto mo gulpihin ko yun?" Tiningnan ko siya. "He's a prince. A true prince." "Eh? Ma-makakaya mo naman yun diba? Ako na bahala sa kape at tinapay mo sa libingan mo." Sabi nito saakin. Napapout naman ako at sinuntok ko siya ng mahina sa braso niya. "Grabe naman joke lang. Ano bang gusto niya para di ka patayin." "Maging slave niya ako." "Eh? Okey na yun." "Hindi kaya magpakamatay nalang ako kaysa magtrabaho sa kanya noh. Wala namang nagmahal saakin kaya magpapakamatay nalang ako.... aray boss! Ang sakit ng batok mo ha. Child abuse ka na." Sabi ko sa kanya. Binatukan kasi ako. "Subukan mong magpakamatay. Tatadtarin kita." "Eto naman si boss di majoke. Joke lang yun." Sabi ko sa kanya at nagpeace. "Hay, magpahinga ka muna ngayon. Bukas papasok ka ha." Sabi nito. Napangiti ako at tumango. "Salamat po!" Sabi ko at lumabas di muna ako uuwi mamamasyal muna ako. Matagal na akong di nakapasyal eh sa Bahay, School, Restau lang ako. Naglalakad ako nang makadaan ako dito sa park napangiti nalang ako sa nakita ko mga pamilya na nagpipicnic ang sasaya nilang magpapamilya. "Sana magkaroon ako ng ganyan. Di ako susuko! Hahanapin ko sila!" Sabi ko at pumunta sa isang ice cream parlor at bumili ng ice cream. Umupo ako sa may bench doon at nakatingin sa kanila. Nang biglang nakaramdam ako ng kakaibang aura nakakatakot ito. "Aaaaaahhhh!!" Nagtatakbuhan ang mga tao at napatingin naman ako kung saan nanggaling ang aurang yun. Pumunta ako doon at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Sana di nalang ako pumunta dito umatras ako ng marinig ko ang isang babae na umiiyak. "Ang anak ko! Iligtas niyo anak ko!" Sigaw niya at napatingin ako sa anak niya. Natatakot na tumingin sa fox na malaki. Anong gagawin ko? Basta! Tumakbo ako at agad binuhat ang bata at tumakbo ulit. "Tumakbo kayo!" Sigaw ko sa kanila. Binigay ko sa ama nito ang batang niligtas ko at kailangan kong mapigilan tung mga halimaw na ito. Bumalik ako. "Diba gusto niyo ng kakainin? Ako hulihin niyo!" Sigaw ko sa tatlong malalaking fox. At nagsimula nanaman akong tumakbo ng mabilis. 'Waaaa tulong!' Sigaw ko sa isipan ko. Di ko alam kung bakit ko ginawa yun. Bigla nalang nasagi ang paa ko sa ugat ng kahoy. Agad akong napatingin sa tatlong naglalaway na lobo. "Ka-kayong tatlo... gagawin ko kayong balloon sige lumapit kayo!" Sigaw ko sa kanila. Pero palapit sila ng palapit. 'Tulongan niyo ko! Prince Phoenix!' Yun nalang ang nasabi ko. Kakagatin na nila ako kaya napapikit ako at narinig ko ang malakas na sabog. Kaya napamulat ako at nakita ko ang mga lobo na bagsak na at nasusunog silang tatlo at napatingin ako sa harapan ko nakita kong buhat nako ni Phoenix. Nakanganga lang ako habang nakatingin sa kanya. "Stop staring at me." Sabi nito at napaiwas nalang ako. "Sa-salamat... dumating ka." Sabi ko sa kanya. "Teka paano ka pala napunta dito? Teka narinig mo ang tawag ko?" Sabi ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin. Hala nababasa niya ang iniisip ko? "Hala matagal mo nang binabasa ang iniisip ko?! Private please!" Sabi ko sa kanya. "Ang ingay." Masubukan nga. 'Phoenix, Phoenix, Phoenix!!'sigaw ko sa isipan ko. "What?!" Hala narinig nga ako! "Naririnig mo nga ako! Ang galing! Ikaw maririnig ba kita?" Sabi ko pero no response naman siya. Napapout ako. "Stop that." Sabi niya. "Bakit ang init ng ulo mo? May dalaw ka ba?" Sabi ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin. Natahimik nalang ako hanggang sa nagteleport siya at nandito kami sa magandang mansyon. "Sayo ba ito?" Sabi ko sa kanya. Di padin siya sumagot. Hanggang sa dinala niya ako sa isang kwarto at inilapag niya ako sa higaan at pumunta sa isang pintuan at yun pala ang cr. Nilibot ko ang paningin ko ang ganda ng kwarto naaamoy ko ang pabango niya. "Ang lambot ng higaan niya at king size bed pa ha." Sabi ko at humiga sa higaan niya. Nang lumabas siya agad akong napaupo at lumapit siya saakin at may dala siyang emergency kit. Mabait naman pala siya. "Anong ginagawa mo?" Sabi ko. "Obvious bang ginagamot kita." Sabi niya sabay tanggal ng sapatos ko. Aish! Binabawi ko na di na siya mabait! Napapout nalang ako. Ginamot niya ang sugat sa paa ko at nilagyan niya ito ng band aid. At tumingin siya saakin. "Umuwi ka na." Sabi niya. Napanganga ako sa sinabi niya. What the hell! Di nako nagsalita tumayo agad ako at kahit masakit pa ang paa ko nilakad ko ito. Walang puso! Halimaw tong lalaking toh! Sa paglalakad ko di pa kaya nang paa ko kaya matutumba nako napapikit nalang ako ng... may brasong nakahawak saakin. "Tsk... nareact ka sana na di mo pa kaya." Hala pinagalitan pa ako eh siya tung pinapalayas ako. Binuhat niya ako at inilagay sa higaan niya. "Dito ka muna hanggang sa mag umaga." Sabi nito at kinumutan ako. Bakit naging caring na tong halimaw na toh? "Tsk... magpahinga ka na." Sabi nito at napapikit nalang ako. 'Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Bakit ganito nalang ang tama ko sayo? Tao ka prinsipe ako ng ibang mundo di pwedeng maging tayo.' Naririnig ko ba ang nasa isipan niya? 'Di pwede toh. Di ko siya pwedeng mahalin. Di pwede.' Sabi niya hanggang sa nakatulog nako. ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD