3rd person's POV... Nakatingin si Cleo sa natutulog na si Anastasia. Nalaman niya ang nangyari dahil nandun siya nung pinakawalan na ni Anastasia si Phoenix. Hinawakan niya ang ulo ni Anastasia. "Mawawala ang lahat ng sakit na mga alaala sa ulo mo. Makakalimutan mo ang pagmamahal mo kay Phoenix. Gaya ng sabi niya di na kayo mag uusap pa." Sabi nito at ibinura ang alaala nila ni Phoenix na magkasama except sa mga kaibigan nito. "Bukas, di mo na siya maalala pa. Yan ang trabaho ko bilang tagabantay mo." Sabi nito at tumayo ng matuwid. "Sana makapaghanda ka na para sa darating na pulang buwan para matalo mo ang kasamaan." Sabi nito at umalis na. Kinabukasan... Anastasia POV... Napatayo ako at ang gaan ng pakiramdam ko. Feeling ko parang walang nangyaring masama saakin. Napatingin ako