PAKIRAMDAM ni Kurt, sinisilaban ang pang-upo niya ng mga sandaling iyon. Hindi niya gusto ang nakikita kay Estelle at Joshua ngayon. Nagbubulungan ang mga ito tapos tatawa. Napapakuyom siya ng kamao kapag inilalapit ng dalaga ang sarili dito tapos awtomatikong hahawak naman ang kamay nig lalaki sa beywang ni Estelle. “Aren't they lovely?” Napatingin si Kurt sa pinsan. “I’ve been wondering kung sino ba ang laging kausap ni Estelle while she was with me. Naririnig ko na ang pangalan ng lalaking ‘yan. Hindi ko alam na ang Joshua pala na tinutukoy niya ay si—” “Shut up,” putol ni Kurt sa sasabihin ng pinsan. “Pagkakataon lang ba ito?” patuloy pa rin ni Danrev. “I don’t know,” tanging sagot na lang ni Kurt. Mukhang hindi titigil ang pinsan sa pang-iinis sa kanya. At first, hindi niya ki