Tahimik sina Lorraine, Black Scorpion at Black Oregon dahil sa katotohang naisiwalat hanggang sa makarinig sila ng malakas na putok ng baril. Napangisi si Black Scorpion dahil sa pag-aakalang ang tauhan lamang 'yon at pinatay si Anita, ngunit nasundan pa 'yon ng dalawang putok ng baril. Hanggang sa mapamura na lamang ng mapagtantong tila may sumugod sa kanilang bagong pinagtataguan. "Puny*ta!" bulalas nito saka mabilis silang iniwan. Hindi na nito nagawang ibalik ng pagkaka usal kay Black Oregon bagay na ipinagpasalamat ang huli. "Mayroon na sigurong mailigtas sa 'yo," anito kay Lorraine. Umungol-ungol si Lorraine bilang tugon sa lalaki dahil nakabusal pa rin siya. Halos mapatili si Lorraine nang muling makarinig ng sunod-sunod na palitan ng putok. Nabuhayan siya ng pag-asa na baka sin

