Chapter 4:

2033 Words
Pagkabalik ni Lorraine sa silid ay hindi niya mapigilang suriin ang sarili, ngayon lang siya kinilig sa lalaki at sa isang membro pa ng isang sindikato. Sa isiping iyon ay pilit na winaglit sa isipan ang tungkol sa lalaking kasama. Naupo siya sa kanyang kama at muling bumalik sa isipan ang nangyaring pag-ambush sa ama. Hindi tuloy niya alam kung nasaan na ang katawan ng ama dahil ayaw naman siyang papanuorin ng lalaki ng anumang balita. Pabagsak na humiga at niyakap ang sarili. Ilang sandali ang lumipas ay nakarinig siya ng katok sa may pintuan. "Y-Yes," paos ang tinig na turan. Hindi nagsalita ang nakatok bagkus ay lumakas ang katok nito kaya napilitan siyang bumangon at pagbuksan ito. Magsasalita pa lamang sana siya nang mabilis siyang hinawakan ng braso nito. "What are you doing?" maang na tanong sa lalaki na tila nagmamadali. Sa kabilang kamay nito ay bitbit na nito ang dala nitong bag. "We have to move, quickly," saad naman nito dahilan upang mataranta. "What? Wait," mabilis na tutol sa lalaking hihilain na siya. "May mga pumasok sa building at alam kong tayo ang kanilang pakay kaya kailangan na nating tumakas," may pagmamadaling saad nito. "Pero paano ang mga gamit ko," gagad niya sa lalaki. "Wala na tayong oras," hila sa kanya ng lalaki kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumama rito. Pagbukas nito ng pinto ay mabilis na sumilip ay nang makitang walang tao ay mabilis silang tinungo ang fire exit. "Sino ang mga humahabol sa atin?" hindi niya maiwasang itanong sa lalaki habang pababa sila ng hagdan. "Membro sila ng malaking sindikato na kalaban ng iyong ama, ngayong alam nilang patay na ang iyong ama ay gusto ka nilang kunin," saad nito. "Kukunin ako? Bakit ako?" maang na usisa sa lalaki. "Ikaw ang susi para makuha nila ang malaking pera ng sindikato ng iyong ama," sagot nito. Natahimik si Lorraine, mukhang wala siyang kawala ngayon lalo na't armado ang mga kalaban nila. Walang nagawa si Lorraine kundi ang sumunod na lamang kay Philipp. Nang tuluyang makalabas sila ng kanyang condominium ay hindi pa rin siya binibitawan ng lalaki. "Philipp, wait," aniya na kapwa nila kinatigil. Hindi niya namalayang nanulas pala sa bibig ang pangalan ng lalaki. "Ahemmm! Maglalakad lang ba tayo?" mabilis na bawi ni Lorraine upang basagin ang katahimikan nilang dalawa. Nabigla talaga si Philipp nang tawagin siya ni Lorraine, hindi niya inaasahan na ang ganda pala pakinggang ang kanyang pangalan kapag ito ang nagsabi. "Maglalakad lang tayo konti, sa kanto may sasakyan na iniwan ang grupo natin," bigay-alam ni Philipp kay Lorraine. Muli ay napipian si Lorraine at sumunod na lamang kay Philipp, hindi na nga niya nagawang bawiin ang kamay nang muli siyang hawakan nito. Nang makarating sa sinasabing sasakyan ni Philipp ay agad siya nitong pinagbuksan. Wala siyang nagawa kundi ang pumasok na lamang bago pa sila abutan ng kung sinumang humahabol sa kanila. Sa may passenger seat siya naupo habang si Philipp naman ay nilagay ang bag nito sa backseat at tuluyang naupo sa driver"s seat. Maraming gustong itanong ni Lorraine sa lalaki pero hindi magawang ibuka ang kanyang bibig. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Philipp kay Lorraine nang mapansing tila naguguluhan ito. "Hindi ko alam, hindi ko nga alam kung bakit ako nandirito, all I know is nakipagkita ako kay daddy pero hindi ko aakalain na hahantong ako sa ganito na hahabulin ng mga sindikato," palatak niyang wika sa lalaki. Natahimik si Philipp sa sinabi ni Lorraine, medyo na-guilty siya. Sa totoo ay ayaw ni attorney Larazabal na ma-involve ang anak niya pero pinilit nila ito dahil tanging iyon lang ang paraan nila. Hindi kasi pwede ang matanda dahil sa may sakit ito sa puso, they won't compromise his health para sa mga taong nais nilang buwagin. "Sorry kung nadadawit ka ngayon, huwag kang mag-alala dahil hangga't kasama mo ako ay hindi ka masasaktan," pangako niya kay Lorraine. Natahimik si Lorraine sa pangakong iyon ni Philipp, kung hindi lang talaga ito membro ng isang sindikato ay baka mahulog siya rito. Bukod kasi sa guwapo at malakas ang sex appeal nito ay parang ang bango-bango pa niya. "Ano pa nga ba? Nandito na ako, heto nga at pinaghahanap na ako ng mga kasapi ng sindikatong kalaban ni daddy," aniya na pilit nagpapakatatag. Hindi pa niya alam kung ano ang gagawin sa kanya ng kanilang grupo pero isa lang nasa isip kundi ang kailangan niyang maging matapang upang maipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang ama. "Huwag kang mag-alala, tuturuan kita ng iba't ibang klase ng pakikipaglaban upang sa ganoon ay magagawa mong ipagtanggol ang sarili mo kahit wala ako," sambit ni Philipp sa kanya dahilan upang mapatingin siya rito. Nasa daan ang tingin nito kaya hindi siya nito kita, may pagkakataon tuloy siyang pag-aralan ang mukha nito. Hindi maikakatwang guwapo ito, prominente at lalaking-lalaki itong tingnan. "Do you like what your look at?" maya-maya ay saad nito dahilan upang mabilis na ibaling ang tingin sa labas ng bintana. "W-What do you mean?" maang na tanong. Napangiti si Philipp, kanina pa niya napapansin si Lorraine na tila pinag-aaralan nito ang kanyang hitsura pero ayaw naman niya itong mapahiya kaya sinabi na lamang niyang ang view sa labas ng bintana ang kanyang tinutukoy. "Ah. . . oo, ang ganda nga," mabilis na segunda na lamang ni Lorraine. Buong akala ay napansin na siya ng lalaking nakamasid rito. Isang palihim na ngiti ang pinakawalan ni Philipp, kung hindi lang niya iniisip ang kasintahang si Mikaella ay baka nahalikan na niya si Lorraine kanina pa. Katahimikan muli ang bumalot sa kanilang dalawa sa loob ng sasakyan hanggang sa basagin iyon ng tinig ni Lorraine. "Saan tayo pupunta?" tanong ni Lorraine nang mapansing medyo napapalayo na sila. "Sa amin," simpleng turan ni Philipp. "Sa inyo?" bulalas na sagot. "Yes, dadaan lang tayo sa amin para kukuha ako ng gamit tapos tutungo na tayo ng Batangas dahil naghihintay na ang grupo sa atin," turan ni Philipp. Napatikom muli si Lorraine ng bibig, sa isipan ay ang katanungan kung paano naman ang kanyang gamit. Ni isang damit ay wala siyang dala o anumang gamit na pwede niyang gamitin. "Don't worry, may mga gamit kang ibibigay ng grupo," saad ni Philipp nang mapansin ang pananahimik ni Lorraine, sapantaha niya ay iniisip nitong hindi sila nakagdala man lang ng anumang gamit nito. "Sa tingin mo ba ay kaya kong pamunuan ang grupo ninyo?" maang na saad sa lalaki. "Kaya nga ibinilin ka sa akin ng iyong ama, ako mismo ang hahasa sa 'yo," wika ni Philipp. "Bakit hindi na lang ikaw ang maging lider," dagdag na wika ni Lorraine. "Kung pwede lang pero ikaw ang tagapagmana ng iyong ama kaya ikaw ang nararapat na pumalit sa kanyang pwesto. Sa tingin mo, hahabulin ka ng ibang sindikato kung wala sa 'yo ang hinahanap nilang multi-million na pera?" saad pa ni Philipp. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Lorraine, mukhang wala na nga siyang kawala at magiging isang sindikato rin siya tulad ng lalaking kasama. Nang tuluyang huminto ang sinasakyan nila ay saka lang napatingin si Lorraine sa labas. Nasa isang exclusive subdibisyon iyon, isang two-storey house ang kinapaparadaan ng kanilang sasakyan. "Baba na," untag ni Philipp sa kanya nang pagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan. Alumpihit na bumaba si Lorraine sa sasakyan at sumunod sa lalaking pumasok sa bahay. Medyo may kalakihan ang bahay ngunit halatang walang tao pero alaga sa linis. Gusto sana niyang magtanong sa lalaki pero hindi na niya ginawa pa. Mabilis nitong nilapag ang bag na bitbit at nagtungo sa kusina, sumunod lamang siya sa lalaki at nakitang dumeretso ito sa fridge. Mula roon ay naglabas ng tubig at inabutan siya noon, dahil kanina pa siya uhaw ay agad na kinuha ang baso ng tubig at inisang nilagok. "Thank you," aniya sa lalaki. "Want more," alok pa nito pero tumanggi na siya. Binalik nito ang pitsel ng tubig at may nilabas mula roon. Pagkalabas ay ininit niya iyon. Nakamasid lamang si Lorraine kay Philipp, mukhang gamay naman nito ang gawaing bahay. Hindi niya tuloy maiwasang igala ang tingin sa buong paligid. Malinis, masinop at halatang may-kaya ang may-ari ng bahay. Halata kasi sa mga gamit sa loob ng bahay, mas lalong naintriga si Lorraine kung sa lalaki ba ang bahay na kinaroroonan nila. Nang sumagi sa isipan na malaki ang sindikatong kinabibilangan nito ay hindi malayong makapagpatayo o makabili ito ng ganoong karangyang bahay. "Halika, kain ka muna tayo bago magpahinga. Bukas na tayo tutungo sa Batangas," wika ni Philipp habang naglalagay ng dalawang plato sa mesa. Napatingin siya sa ininit nitong mga pagkain bagay na napansin ng lalaki. "Don't worry, bagong luto ang mga 'yan, niluto ni mama na dinala lang dito ni Aling Juana," aniya tukoy sa kanyang yaya na ngayon ay katiwala niya sa kanyang bahay. Hindi na umimik si Lorraine at naupo sa isang upuan. Sa totoo lang ay gutom siya dahil noodles lang ang kinain nilang dalawa kaninang tanghalian kaya agad na sumandok ng kanin at ulam. Napangiti si Philipp nang makitang tila natakam si Lorraine sa pagkaing niluto ng kanyang ina. Alam niyang gutom ito kaya nagpaluto na siya sa kanyang mama at sinabing dalhin ni Aling Juana sa kanyang townhouse. Mas lalong napangiti pa si Philipp nang mapansing panay ang subo ni Lorraine na tipong nasasarapan sa luto ng kanyang ina. "How is it?" untag niya sa babae. Hindi naman na bagpatumpik-tumpik si Lorraine at sinabing masarap ang pagkain. Kaya matapos ng halos kinse minutos ay halos simot na nila ang pagkain sa mesa. Napadighay pa si Lorraine sa kabusugan. "Excuse me, thanks God," turan niya sa pagkapahiya sa kanyang pagdighay. Mabilis nilang niligpit ang kanilang pinagkainan. Hindi man marunong si Lorraine sa paghuhugas ng pinggan pero sinubukan pa rin niya dahil nakakahiya naman sa kanyang kasama. "It's okay, ako na ang gagawa," awat ni Philipp nang makitang hindi alam ng babae ang kanyang ginagawa. Nahihiyang binitiwan ni Lorraine ang pinggan at hinayaang si Philipp na ang maghugas. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang pagmasdan ito. Gaya noong unang nakita itong naghuhugas sa kanyang apartment, parang mas lalo pa itong kumikisig sa kanyang paningin. Mabilis na umiling sa sarili, ayaw niyang marahuyo sa lalaking walang ibang pinagkakakitaan kundi ang sindikato. Sa kakaisip sa lalaking tinitingnan ay hindi niya tuloy namalayan na tapos na pala itong maghugas at nasa mismong harapan na niya ito. "Let's go," tinig nitong nagpabalik sa kanyang kamalayan. "Saan?" gagad na tanong sa kabiglaan. "We have to rest," anito na nagpatiuna na. Agad naman siyang sumunod rito at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay kung saan makikita ang helera ng mga silid. "Dito ka na muna matutulog at sa kabilang silid naman ako. Saglit at kukuha lang ako ng pwede mong pamalit," turan ni Philipp saka pumasok sa silid. May mga gamit kasi ang kasintahang si Mikaella doon kaya tiyak na kakasya 'yon kay Lorraine dahil sa tingin niya ay magkasingkatawan lang naman ang dalawa at tangkad. Naiwang natitigilan si Lorraine sa labas ng silid. Ilang minuto ang lumipas ay bumukas ang pinto ng silid na pinasukan ni Philipp. "Here, you can use this one," saad nito sabay abot sa ilang piraso ng damit. "Thr undies is new, no worries," dugtong pa nito. Nakamata lamang siya sa damit ng babaeng binigay nito sa kanya. "Sa girlfriend ko 'yan, hindi pa naman niya nagagamit kaya pwede mong gamitin," saad nito. Nabigla pa si Lorraine sa nalamang may girlfriend pala ito. "Ah—Okay, thank you," nauutal na turan kay Philipp saka tumalikod upang pumasok na sa silid na pwede niyang gamitin. Halos mapamura si Lorraine sa sarili sa kanyang nagawang katangahan, nagulat pa talaga siya nang malamang may kasintahan pala ito. "Lorraine, buti na lang talaga at hindi ka nahalata kanina," sermon niya sa sarili. "May girlfriend na siya kaya huwag ka nang umasa," gigil na turan pa sa sarili saka inusisa ang damit na binigay nito. Ilang sandaling tinitigan iyon, nagtatalo ang isipan kung isusuot ba ang damit ng girlfriend nito o hindi pero sa huli ay napagpasyahang isuot na lamang ang undies na binigay nito matapos maligo saka nag-dive sa kama. Hindi na niya isinuot pa ang damit ng gitlfriend ng lalaki at natulog na siyang naka-panty lamang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD