Chapter 1

1456 Words
"Bakit ba ako ipinatawag ng boss?" tanong ko sa kasama ko sa pabrika. Nasa malaking pagawaan kami ng mga damit na ini-export sa ibang bansa. "Hindi ko rin alam eh," sagot ni Josephine na patuloy sa paglalagay ng tags at pag-i-inspeksyon ng natapos ng damit. Nasa quality control department kami na siyang nagpapasya kung pasado ang isang produkto o kailangang ibalik sa pagawaan. "Hindi naman siguro ako masisisante. Wala naman akong natanggap na memo galling sa HR." "Puntahan mo na lang si Mrs. Guzman para malaman mo," suhestyon naman nito na ang tinutukoy ay ang supervisor namin sa pabrika. Sinuklay ko kaagad ang buhok at naglagay ng kaunting face powder. Sa totoo lang ay kinakabahan din ako kung bakit ako ipinatawag. Isang linggo pa lang akong nagtatrabaho doon mula nang lumuwas mag-isa galing sa Bukidnon. Huminto kasi ako sa pag-aaral dahil hindi na ako kayang pag-aralin ni Lola Magda. Ang pabrikang pinapasukan ko ay pag-aari ng mga Desiderio. Mayaman silang angkan sa Bukidnon na nagmamay-ari din ng ekta-ektaryang lupain. Dito sa Maynila, isang malaking pagawaan ng tela at pabrika ng branded na damit ang negosyo ng mga ito. Ako si Maliyah Dimayuga. Dati akong tauhan sa Hacienda Desiderio sa Bukidnon. Nagtatrabaho ako sa gabi sa mansion at nag-aaral naman sa umaga. Pagod na kasi si Lola na magtrabaho bilang cook sa hacienda kaya't ako na ang pansamantalang pumalit doon. Pero nang makahanap nang maayos na tagaluto ay pinalitan na rin ako. 'Yon nga lang, hindi na ako nakabalik sa pag-aaral. Ang sumunod na ipinagawa sa akin ay ang paluwasin sa Maynila para magtrabaho na lang sa pabrika ng mga Desiderio. Noong bata pa ako, madalas na akong nasa mansion dahil katulong na ako ni Lola sa mga gawain doon. Wala na rin namang mapag-iiwanan sa akin dahil wala na akong kinagisnang mga magulang. Iniwan na kami ng tatay kong Amerikano, habang ang nanay ko naman ay hindi na rin bumalik sa Bukidnon matapos sumama sa ibang lalaki. Marami man akong tanong sa pagkatao ko, wala naman akong makuhang sagot kay Lola kung hindi 'iniwan ako ng mga magulang ko'. Mayaman ang mga Desiderio at apat na lalaki ang naging anak ng mga ito. Si Braxton, Jett, Bobby at Davis. Sa kanilang apat, ang kaedad niya marahil ay si Davis. Pero para sa akin ang pinakagwapo noon pa ay ang panganay nilang kapatid na si Braxton. Matagal nang wala ang mga ito sa Bukidnon dahil sa Maynila na nagsipag-aral ng kolehiyo. Noon ay umuuwi pa ang mga ito sa Bukidnon paminsan-minsan. Pero nang mamatay ang Lola ng mga ito na si Doña Soledad Desiderio at nahati na sa dalawang anak ang ari-arian – kay Felix at Jonathan. Hindi ko na muling nakita ang mga anak ni Felix Desiderio. Pag-aari pa rin naman ng mga ito ang mansion, pero hindi ang mga magulang nila Braxton ang nakatira ngayon doon kung hindi kapatid lang sa ama ng Papa ng mga ito na si Jonathan. Malayo ang nilakad ko mula sa pabrika patungong opisina ng HR. Isang twenty-story building ang isa sa mga building sa loob ng Desiderio Compound. Nakahiwalay ito sa building ng pinaka pagawaan doon. Iginiya ako ng isang empleyado sa HR Department na nasa ikalawang palapag lang. Tila hotel ang itsura ng opisina na puro salamin ang dingding at magara lahat ng kagamitan. Pagkatapos ko sa HR ay dinala naman ako sa opisina ng Presidente at CEO ng Desiderio Fabric Inc. Doon na ako lalong kinabahan. Ang alam ko ay si Felix Desiderio ang Presidente ngayon ng kumpanya. Dalawa lang naman ang anak ni Doña Soledad Desiderio na Si Felix at Jonathan. Ang huli ay anak nito sa ibang lalaki at ang alam ko ay pinag-aawayan ng dalawang iyon ang lupa sa Bukidnon sa ngayon. "You have to increase the sales this year, Braxton. This is low compare to our sales target," narinig kong wika ng dalawang nag-uusap nang bumukas ang pinto ng opisina bagama't hindi pa naman lumalabas ang dalawa. Nasa waiting area ako mag-isa at nilalamig na dahil sa lakas ng aircon sa buong palapag na iyon. "I know, Papa. But what can I do? Hindi natin nakuha ang account ni Mr. Chan kaya't nawala sa atin ang thirteen percent sales target ngayong taon." "This is your last chance, Braxton. Kung hindi ikaw ang itatalaga ko bilang CEO, ikaw ang mamamahala sa lupain natin sa Bukidnon. Hindi ko gustong tuluyang maagaw ni Jonathan ang pamanang iyon ng Mama dahil lang sa hindi niyo gustong umuwi roon." "Hindi ba't napag-usapan na natin na si Jett ang uuwi roon? I don't know how to run a f'cking farm, Papa!" "Watch your filthy mouth when you're with me, Braxton! You might be the COO of this company, but I am still the CEO and the President." Gusto ko munang umalis doon para hindi mapakinggan ang pag-uusap nila pero baka bigla akong hanapin ng kung sinuman ang nagpatawag sa akin. Hindi ko alam kung naalala pa ako ng mga Desiderio. At lalong wala akong ideya kung bakit ako nandito sa twentieth floor. Nang lumabas si Felix at Braxton ay mas nagulat ang huli nang makita ako. At nagulat din ako nang makita ito. Malayo na ito sa itsura nitong binatang chubby dati. Malapad na ang katawan at halatang laging nasa gym. Pero katulad ng dati, lagi pa rin itong malalim kung tumitig na nakakatunaw sa puso ng mga babae sa hacienda noon. Tiyak kong namula na ang pisngi ko pagkasalubong pa lang ng aming mga mata. Tumikhim si Felix Desiderio na napabaling ako ng tingin sa matandang Desiderio. "Are you Maria Lailanie Dimayuga?" "A-ako nga po..." mahina kong tugon. "Follow me," utos nito saka pumasok muli sa opisina. Sumunod naman ako. Sa likod ko ay si Braxton na siyang nagsara ng pinto. Tulad ng inaasahan, magara ang silid na may mahabang sofa pa sa kanan at may lamesita. May mga display na halaman sa bawat sulok, wine display, shelf na puno ng libro at malalaking paintings sa wall. Ang dingding naman sa kabila ay napapalibutan ng salamin kung saan tanaw ang buong ka-Maynila-an. Nasa Kalaw Street matatagpuan ang Desiderio Fabric Inc. sa Maynila. Tahimik si Braxton na nakatayo sa gilid ng mesa habang nakaupo ako sa silya na nanginginig pa rin. Ngayon ay hindi na dahil sa lakas ng aircon kung hindi sa presensya ni Braxton na noon pa man ay tipid nang magsalita. Masyado itong seryoso at nakaka-intimidate madalas. Ni hindi ko ito magawang tingnan dahil baka magtama na naman ang aming mga tingin at mahalata na may gusto ako sa kanya. Isang pantasya lang naman iyon na alam kong kailanman ay hindi mangyayari. "You are an undergraduate of Business Management," wika ni Sir Felix na nakatingin sa tipid kong resume. Bukod kasi sa hindi naman ako nakapagtapos ng college, wala naman kasi akong ibang work history bukod sa pagtatrabaho sa mansion bilang helper ni Lola sa kusina. "Yes po..." mahina kong sagot. Hawak ko ang butones ng blouse ko para alisin ang kaba. Nang mapadako ang tingin ko kay Sir Braxton ay nakatingin ito sa dibdib ko. Nang magtama ang aming mga mata ay kaagad din naman itong umiwas. Pero nakita ko ang paglunok nito na ewan ko kung bakit. "I've heard that you're one bright student when you were in high school. Do you think you can do the job of Braxton's personal assistant?" "H-ho?" gulat kong tanong na muling napatingin kay Braxton. Tingin ko ay nagulat din ito sa inusal ng ama. "Pabalik din naman si Rica sa susunod na buwan, Papa," sagot nito na hindi naitago ang pagkagulat. "She underwent a major operation, Braxton. Besides, even if she comes back next month, you still need additional staff. Hindi kaya ni Rica ang lahat ng trabaho dito sa opisina mo." Hindi na nagsalita si Sir Braxton pero umiwas na itong tumingin sa akin. Muling bumaling sa akin si Felix Desiderio. "We will try to hire you as one of Braxton's staff for three months. 'Yon ang training period mo. Braxton will evaluate you after if you are eligible to be a regular employee. Do you understand?" Tumango lang ako sa kabila nang pagkabigla. Hindi ko inaasahan na mataas na posisyon ang papasukin ko nang papuntahin ako ni Lola sa Maynila para magtrabaho sa mga Desiderio. Hindi ko rin alam kung dapat akong matuwa dahil parang hindi naman gusto ni Braxton ang desisyon ng Papa nito na ako ang magiging sekretarya nito. "K-kailan ho ako magsisimula?" tanong ko na nauutal pa rin. "Today. Get your belongings from your locker and get back here a.s.a.p." Narinig ko ang malakas na buntunghininga ni Braxton nang lumabas ako sa opisina na parang ayaw ko na tuloy bumalik. Hindi pa rin ito nagbabago - suplado pa rin katulad ng dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD