Chapter 5
Jazmine's POV
Nagulat ako ng wala akong maramdaman na tumusok sa aking mga leeg.
Sinubukan kong imulat ang aking mga mata at nagulat ako ng magising ako sa isang kwartong puti na may mga doktor.
Panaginip?
Ano bang nangyayare ngayon bat ang dami atang nangyayareng kakaiba?
May mga sikreto bang hindi ko alam tungkol sa pamilya namin kaya nagkakaganito?
Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto ko at nagulat ako sa nakita ko.
Si Jaicee nakatakip ng puting tela at parang...
Patay na?
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko.
Nakita ko naman ang pagtingin sakin ng mga ibang doktor at nagulat pa ata sila sa paggising ko.
"Nasaan ako?"Tanong ko sa kanila habang tuloy tuloy parin ang pag agos ng mga luha ko sa aking mga mata.
Patay na si Jaicee at hindi ko alam kung sino ang gumawa non!
"Nandito ka sa Florante's Hospital, at kayong dalawa po maam ng kamabal nyo lang ang paseyente ngayon dito"Sabi sakin nung isang doktor.
So sa Hospital pala nila mama kami ngayon ni Jaicee nandito pero bat ang sabi nila at PASYENTE ?Patay na si jaicee ha? Tinignan ko ulit ang nakahigang si Jaicee .
"Pa-atay na po ba si Jaicee?"Tanong ko sa kanila.
"Sorry to say but yes! Patay na po si maam Jaicee pero ayaw maniwala samin ni Maam Joana"Malungkot na sabi sakin nung doktor.
Ayaw maniwala ni mama? Masyado nyang mahal si Jaicee kaya hindi imposibleng hindi sya kaagad maniwala.
Naalala ko kanina yung nangyare.
Yung sinampal ako ni mama at sinabing ako daw ang pumatay kay Jaicee.
Mukha bakong mamamatay tao?
Yan lang ba yung iniisip nila sa ngayon na ako ang pumtay kay Jaicee?
Hindi lo magagawa sa kanya yun at sigurado akong may ibang may kinalaman dito.
Hindi kaya may kinalaman dito yung lalakeng nagpapakita sa akin at sa panaginip ko?
Pero kung may kinalaman nga? Anong kinalaman nito sa buhay namin?
"Nasaan po sila mama?"Tanong ko sa kanila.
"Ang balita ko po maam ay nagpunta sa pulis si sir at si maam Joana naman po ay nasa labas ng kwarto ngayon"Medyo kinabahan ako sa sinabi nung doktor dahil hindi malabong sugurin ako ni mama dito sa orad na malaman nya na sgising nako.
Nagulat ako sa malakas na pagbukas ng pintuan at nakita ko doon ang galit na galit na itsura ni mama.
Patay!
Kinakabahan ako ngayon! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil alam kong ako ang sinisisi ni mama sa pagkawala ng kakambal ko.
"Lumabas na muna kayong lahat!"Malakas na sigaw ni mama habang nakatingin sakin ng masama. Napaiwas naman kaagad ako ng tingin dahil para akong papatayin sa tingin ni mama ngayon.
Dali dali namang lumabas ang lahat ng tao dito sa kwarto at ngayon ay kami na lang tatlo ang natira.
Ako.
Si mama.
At si Jaicee na ngayon ay patay na.
"Umamin ka nga sakin!Anong ginawa mo sa kapatid mo!" Galit na galit na tanong sakin ni mama. Ramdam na ramdam ko ang poot at galit nya habang sinasabi nya yan. Mukha ba talaga akong mamatay tao? Ngayon na nga lang ako pinapansin ni mama ang gara pa ng trato nya sakin.
Hindi ko magagawa ang mga sinasabi nya dahil mahal ko ang kakambal ko!
"Ma, ganyan ka na lang ba palagi? Hindi mo na lang ba iintindihin yung kalagayan ko? Ma! Wala akong ginagawa dahil nasa kwarto ko no--"Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla na lang ako sampalin ng malakas ni mama.
"Wag mo ng paikutin pa ang ulo ko dahil alam kong ikaw ang pumatay sa anak ko dahil narin sa inggit ka sa kanya!"Galit na galit si mama habang sinasabi nya yan. Inggit?Oo naiinggit ako pero hindi ko kaya yung binbintang nya ngayon. Anong tingin sakin ni mama? Mamamatay tao? Ano bang kasalanan ko para tratuhin nila ako ng ganito?
"Ma! Nag-gsasa-abi ako ng t-totoo"Iyak ako ng iyak habang sinasabi ko yan kay mama.
"Wag kang magsinungaling!Makukulong ka!"Galit na sabi ni mama saka umalis sa kwartong nasaan ako ngayon. Makukulong? Anong ibig sabihin ni mama don! Kayang kaya nilang gawin ni papa ang gusto nila dahil mayaman kami kaya hindi imposibleng mangyare yung sinasabi nyang makukulong ako!
Sino?
Sino ba talaga ang pumatay sa kakambal ko?
Sino ang nasa likod ng mga panaginip ko at bakit sila nagpapaita sakin?
May nagawa ba akong mali para tratuhin ako na parang hayop nila mama?
Wala akong alam sa mga nangyayare!
Tumingin ulit ako sa katabi kong kama kung saan naroroon si Jaicee na nakalimutan ata ni mama kanina.
"Jaicee pa-angako ha-ahana-apin ko k-kung s-sino an-ng pum-matay sa-ayo"Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak ngayon.
Sya na lang ang katulong ko sa bahay.
Sya lang ang pumapansin sakin sa bahay at sya lang din ang napapagsabihan ko ng problema kaya hindi ko magagawa ang bagay na binbintang ni mama sakin.
Kung sino ka man.
King sino kamang pumatay sa kakambal ko.
Magbabayad ka!
Tao ka man o hindi.