Chapter 9

750 Words
Chapter 9 Someone's POV Hindi! Hindi dapat sya makaranas ng mga ganitong pangyayare! Napakasama kasi ng mga magulang nila! Kaya hindi ko masisisi si tita na gawin ang bagay na yun kay Jaicee. Patay na sya. Pero ating tandaan na ang kanyang kaluluwa at ang kaluluwa ni tito ay naninirahan parin dito sa mundong ibabaw. Dahil sa revenge na inaasam. George's POV Shit! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Nagiging baliw nanaman si Joana! Nandito nga pala kami ngayon sa bahay at kanina pa nya sinasabi nya ipakulong ko daw si Jazmine at gusto nya daw bumalik dun sa hospital para sa anak naming si Jaicee. Si Anne ba ang may kagagawan nito? Pero patay na sya diba? Kaya paano? Hindi! Hindi sya ang pwedeng gumawa nito. Pero hindi ko alam pero iniisip ng isip ko na isa sya sa may kagagawan ng nangyayare ngayon samin kahit alam kong patay na sya. Naaawa ako kay Jazmine. Anak ko parin sya! Kahit na hindi namin sya anak ni Joana mahal ko parin sya pero hindi ko alam pero hindi ko sya magawang pansinin at pakitaan ng pagmamahal pag kami ay nasa bahay. Siguro dahil sa naguiguilty ako? Ang tanga ko kasi!! Kung hindi lang ako nakinig kay Joana na patayin si Anne na totoong ina ni Jazmine ay sana hindi nagkakandagulo gulo ngayon dito. Dapat sinabi ko na rin kala Jaicee at Jazmine ang tungkol sa tunay na kwento ng pagkatao nila para hindi naman sana humantong sa ganito ang lahat! Tangina naman kasi eh! Kung hindi ko lang nabuntis si Anne hindi sana kami gantong gulong gulo sa buhay! Mayaman kami oo! Pero hindi sapat ang kayamanan namin aa mga nagyayare ngayon sa buhay namin. Siguro mas mabuting sabihin ko na lang kay Jazmine ang tungkol sa pagkatao nya. Ang katotohanang hindi sya anak ni Joana. Sa totoo nga lang! Nung sinabi sa akin ni Joana na nahmumulto sa kanya si Anne at may isa pang lalake ay naniwala ako sa knaya pero hindi ko sinabi at sinabing baka imahinasyon nya lang iyon. Nung dati rin kasi ng gabi ay may naramdaman din akong kakaiba sa mga napapanaginipan ko. Like may isang batang kinuha sa babae. At kung ano ano pang medyo tumutugma sa pangyayare noon. At ang huli kong nakita ay ang picture ni Anne ay sya ay walang awa kong pinatay. Jazmine's POV Grabe na to! Iyak lang akonng iyak matapos nilang umalis dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayare. Kanina lang ay nagparamdam sakin si Jaicee tas ngayon naman ay mapapakulong pa ako! Gusto ko ng mamatay! Tutal wala din namang saysay yung buhay ko! Lagi naman akong nag iisa! Nakakapagod na! Pero nagtataka ko kanina sa mga naramdaman ko dahil sa pagpapakita sa akin ng patay na si Jaicee. Hindi ko alam pero bat ako nakakakita ng nga bagay na matagal ng patay?! Alam kung hindi lang guni guni yung pagpaparamdam sakin ni Jaicee kanina dahil gising ako noon! Gising na gising! Hindi ko alam pero biglang sumagi sa isip ko yung mga napaniginipan ko nung nanaginip akong nasa kulungan ako. Swerte mo't napagkamalan kitang kakambal mo kung hindi.... Iyan yung mga narinig ko sa panaginip ko. Hindi ko alam pero parang ang lalim ng ibig sabihin ng sinabi nang lalaking iyon sa panaginip ko. Swerte? Anong ibig nyang sabihin?! Na dapat ako yung namatay at hindi si Jaicee?! Bakit?! Anong kinalaman ko!? Bigla nanaman akong nakaramdam ng kilabot ng biglang may aninong napakabilis na dumaan sa harapan ko at may nahulog na isang papel. Papel na ang ang pinangsulat sa sulat ay dugo. Oo, halatang halata na ito ay dugo. Malansa. Masangsang. Pero kanino? Ano!? Anong dugo ang pinanulat dito at kanino galing ito. Nilibot ko uli yung tingin ko para mahanap ko kung nasaan na yung mabilis na aninong dumaan kanina pero bigo ako. Dahil wala naman akong nakita. Medyo nasasanay na naman akong may nagpapakita saking multo dahil ang pagkakaalam ko ay may third eye nga pala ako. Binasa ko yung nakakatakot na sulat at halos malaglag ang panga ko dahil sa gulat. Masaya na kami na namatay na si Jaicee pero dapat ay mamatay karin pero mukhang hindi ko na kailangan pang gumawa ng paraan para doon dahil sigurado akong ang patay na si Jaicee na ang gagawa noon                                                          - Bloodliness Hindi ko alam ang irereact ko dahil sa nabasa ko. At ang pinaka kinilabutan ako sa lahat ay yung huling sulat na Bloodliness What's the meaning of this?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD