bc

THE WOMAN WHO WASN'T THERE - LUTHEAN LUTHER LUCCHETTI

book_age18+
29
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
contract marriage
BE
family
arranged marriage
arrogant
mafia
heir/heiress
drama
tragedy
bxg
enimies to lovers
musclebear
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

Blurb Si Luthean ang superhero ni Corazon. Isang beses na siyang nailigtas nito sa kamay ng isang organization na dumukot sa kanya. Ang paghanga ni Corazon sa lalaki ay hindi lang natapos doon. Inibig niya ito at sinubukan pukawin ang mailap nitong puso.Nang malaman ng magulang ni Corazon na gusto niya ang lalaki, sila na ang gumawa ng paraan para mapalapit siya kay Luthean. Dahil sa impluwensiya ng magulang ni Corazon, walang nagawa si Luthean kung 'di pakasalan si Corazon.Sa kanilang pagsasama, sinubukan ni Corazon na kunin ang loob ng kanyang asawa. Ngunit mailap ang lalaki. May pag-asa pa kayang makuha niya ang puso nito o kusa na lang sukuan ang pag-ibig na walang tugon?Paano kung isang tragedya ang magpa-realize kay Luthean na mahal din niya ang asawa? Makukuha na kaya nilang ibigin ang isa't isa?

chap-preview
Free preview
1
Chapter One "Mommy!" excited na tawag ko sa aking ina. Kararating ko lang sa mansion. Inabutan ko itong abala sa garden. "Anak, mabuti't dumating ka na. Kanina ka pa hinahanap ng daddy mo. Sabi mo kasi'y saglit ka lang sa labas." "Mommy, I went to the salon and also went shopping. Ilang oras lang naman akong late sa promise ko kay dad," humalik ako sa pisngi ni mommy. "Nangako ka kasi sa daddy mo na maggo-golf kayo. Ayon at nanood na lang movie sa kwarto. Go. Check him. Alam mo naman minsan lang iyong mag-rest day at gusto niyang maka-bond tayo," nanulis ang nguso ko. "Bakit nandito ka pala sa garden mo? Why hindi mo siya samahan doon?" inangatan ko pa ng kilay ang ina na napabungisngis. "Anak, kung 24/7 akong nakadikit sa daddy mo ay baka magkaroon ka pa ng kapatid," nanlaki ang mata ko't napailing sa aking ina. "Mom, stop!" nalokang ani ko sa aking ina na malakas na natawa. Inihinto na rin nito ang paggunting sa halaman niya saka ako iginiya papasok sa sala. Saktong pababa si dad na ang tulis ng nguso at umiirap-irap pa. "Hi, daddy!" magiliw kong ani sa ama na alam na alam ko ang weakness. Kapag nagtatampo ito ay madali lang naman itong amuin. "Ngayon ka lang," muli'y umirap ito. Lumapit ako sa aking ama na nakababa na ng hagdan. Agad din akong yumakap para maalis na ang tampo nito. "I'm so sorry, daddy. Nakalimutan ko ang oras no'ng nasa salon ako. Tapos nag-shopping din po ako. Sorry talaga. Bawi na lang ako sa 'yo sa sunod na rest day mo. Gusto mo bang manood ulit ng movie?" inakbayan ako ni Daddy Rod. "I'm sorry, anak. Nakapangako na ako sa Kuya Rodrigo mo na sasamahan siya sa pag-check ng condo na nire-request niyang bilhin namin." Napatango-tango naman ako. "Sama ako, daddy?" excited na tanong ko pero si mommy ang agad na nagsalita. "Hija, kasama ang Tita Ruela mo." Nang narinig kong kasama ang mommy ni Kuya Rodrigo ay alam ko na hindi ako pwedeng sumama. "Hija, next time ay ikaw naman ang bibilhin ko ng condo. Kung gusto mo'y bukas na agad. For now... hindi kita maisasama para walang gulo. Alam mo naman ang Tita Ruela mo," napairap pa ang daddy ko. Unang asawa ni dad so Tita Ruela. Naghiwalay sila noong 9 years old si Kuya Rodrigo. Tapos no'ng eleven si Kuya Rodrigo ay nakilala ni dad si mommy. Nagpakasal Slsila agad at magkaanak... ako iyon. Kahit matagal nang hiwalay si Dad at Tita Ruela ay hindi pa rin iyon tanggap ng ginang. Kaya ayaw na ayaw nito na sumasama ako kapag kasama nito ang anak at ang daddy ko. Para walang gulo ay hindi ko na lang din ipinipilit ang sarili ko, kahit pa gusto kong maka-bonding si Kuya. "Bilhan ng condo?" nakuha ni mommy ang atensyon namin ni daddy. "Bakit magco-condo ka ba, Cora? Anak, sa 'yo ang bahay na ito. Hindi mo iyon kailangan. Saka mas komportable rito sa bahay." Only girl lang ako ni mommy. Gets ko naman kung hindi niya ako nais bumukod. Mas gusto ko rin naman dito sa bahay. "Don't worry, mommy. Hindi ko po kailangan ng condo kaya naman huwag mo na po akong bilhan, daddy. Okay naman po ako rito sa bahay," mukhang nagustuhan ni daddy iyon. "Mabuti naman, anak. Mas gusto rin naman namin ng mommy mo na makasama ka rito." "Tama na kayong mag-ama. May merienda sa kusina. Let's go. Inihanda ko iyon para sa inyo," nang lumakad si mommy patungo sa kusina ay sumunod agad kami ni daddy rito. "Anak, bakit naman new haircut na naman? Ang ganda ng mahabang buhok mo," puna ni daddy. "Pangit po ba?" takang ani ko habang hinahaplos ang bagong gupit na buhok. Hanggang balikat na lang iyon at nagpalagay rin ako ng curtain bangs. Feel ko lang mag-bangs and bagay naman sa face ko. "Of course maganda, hija. Sadyang mas lalo kayong magkamuha ng mommy kapag long hair ka." Napatango-tango naman ako. "Don't worry, daddy. Last hair cut ko na ito. Papahabain ko ulit," napa-thumbs up pa si dad. Nagsimula kaming mag-merienda. Napunta ang usapan sa mga business ni daddy. "Hija, darating ang panahon na ikaw na ang magma-manage ng mga business natin. Dapat ay ihanda mo na ang sarili mo," natigilan ako't nahinto sa pagsubo. "Daddy, hindi ba talaga pwedeng si Kuya Rod na lang ang mag-handle ng mga business ninyo?" nanulis pa ang ngusong tanong ko rito. Parehong umiling ang parents ko. "Anak, pinaghirapan namin ng mommy mo ang mga business na mayroon tayo ngayon. Walang kinalaman si Rodrigo roon. Alam din ng Kuya mo na ang ari-arian na nasa pangalan ko ay sa mommy mo naman talaga. Ikaw lang ang nag-iisang anak namin ng mommy mo kaya ikaw lang ang natatanging tagapagmana namin." Pinilit kong ngumiti. "What if mag-asawa na lang ako tapos siya na lang ang mag-manage?" pabirong sabi ko sa ama na agad umangat ang kilay sa akin. "Hon, mukhang may boyfriend na itong dalaga natin," mukhang balak pang magreklamo ng aking ama. "Hindi naman masama. 24 na si Corazon, hon. Nasa tamang edad na siya. Dapat nga lang na magpaligaw na o nag-uwi at magpakilala ng lalaki sa atin," feel ko'y gustong komontra ni daddy. Baby girl pa rin kasi ang tingin niya sa akin. Napahagikhik ako. "Meron na?" baling ni dad sa akin. "Sana wala, anak." "Wala pa, daddy. Pero may crush ako." Kumindat pa ako sa aking ama. "Really? Sino naman kaya iyan? Baka mga bidang lalaki sa mga anime na pinanonood mo iyan," natawa ako pero agad umiling dito. "No, daddy. This time tao ang crush ko. Sobrang pogi. Maganda ang katawan. Tapos---" "Hija," away ni dad. "Sino?" "Kilala ninyo naman siya, daddy. Ang superhero ko," napahagikhik pa. Sumagi kasi sa isipan ang gwapong mukha ng lalaki na nagsalba sa akin noon. Siya ang superhero ko na hindi ko makalimutan. "Si Luthean Lucchetti?" ani ng matanda. Agad naman akong tumango rito. "Yes, daddy. Sobrang gwapo ng crush ko 'no?" pagbibida ko. "Nakita ko siya last time roon sa dinaluhan nating party pero hindi ako nakalapit sa kanya. Ang dami kasing nakapalibot sa kanya," napabuntonghininga ako dahil sa panghihinayang. "Anak, marami pang pogi. Bakit si Lucchetti pa?" ani ng aking ama. Bakit naman hindi 'di ba? Utang ko sa taong iyon ang buhay ko. Gwapo, matalino, magaling din sa negosyo. Parang nasa kanya na ang lahat. "Daddy, hindi naman matuturuan ang puso kung sino ang nais ibigin. Gusto ko po siya at hiling ko na sana'y mapansin na niya ako," napangiti pa na para bang nangangarap habang mulat na mulat ang mata. Ako at si Luthean... magkahawak ng kamay. Parehong masaya at ngiting-ngiti. Si mommy na katabi ko ang pumigil sa noo ko kaya natauhan ako. "Anak, stop daydreaming." "Mahal ko na siya, mommy. Ano kaya ang dapat kong gawin para mapansin niya? Wala naman pong masama kung sundin ko ang puso ko 'di ba?" napabungisngis pa ako nang nakita ko ang reaction nila mommy. Parang sila ang na stress. Happy crush lang naman. I mean yes may love na pero hindi naman para magpakadesperada kay Luthean Luther Lucchetti. "Anak, gusto mo ba talaga si Lucchetti?" seryosong tanong ng aking ama. Tumango ako. "Gusto ko po siya, daddy. Gustong-gusto," at mukhang dahil gusto ko ito ay tinanggap na lang ng mga ito. Tumango sila at pasimpleng nagtinginan. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng tinginan nilang iyon. Basta nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Ang sarap ng merienda na luto ni mommy.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

His Obsession

read
105.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.5K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.5K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook