PAGKAGISING ni Mikael, ang ulo niya agad ang nasapo niya. Ang sakit ng ulo niya. Sobra. Para itong pinukpok sa sakit. He groaned and got up. Natigilan siya nang makita niyang wala siya sa loob ng kaniyang kwarto. Looking at the arrangement of the living room, this is not his living room. This is Leigh’s living room. Nagtaka si Mikael kung ano paano siya nakarating dito sa apartment ni Leigh. Ang maalala niya lamang ay nag-iinuman sila ng mga kaibigan niya. How did I end up here? Then he heard a movement from the kitchen. Tumayo siya kahit pa nahihilo siya at pumunta sa kusina ni Leigh. Nakita niya ang dalaga na nagluluto. “Leigh.” Kaagad na humarap ito sa kaniya. “Gising ka na pala.” Sabi ni Leigh. “Bakit nandito ako?” tanong ni Mikael. Sabi ko na nga ba. Wala itong maalala. “Pumun