PAGPASOK ni Mikael sa kanilang bahay, natigilan siya nang makita ang kaniyang pamilya na nasa living room. Kaagad na tumayo ang kaniyang ina at maluha-luhang niyakap siya. “I’m glad you’re fine, anak.” Ani Evelyn na puno ng pag-aalala. Ngumiti si Mikael saka niyakap ang ina pabalik. “Okay lang ako, mommy. Huwag na po kayong mag-alala.” Aniya. He looked at his father and saw how serious he was. “Mikael, in my office. Now,” Seryosong saad ni Maverick. Mikael sighed and looked at his mother. “I’ll talk to you later, Mom. Kailangan ko lang na kausapin si Dad.” Nakakaintinding tumango si Evelyn saka hinayaan ang mag-ama niya na mag-usap. Then she looked at her twin. “Your brother was fine.” Aniya. Nagkatinginan naman si Mikhail at Everly. Mikhail had the same mind as his brother and his