Maaga siyang umalis ng opisina para balikan si Savannah sa guest room, kahit papano nag-aalala siya sa babae. Hindi naman niya mautusan ang mga kasambahay para pakainin ito, baka matangka na naman itong tumakas. Masyadong desperadang makita si Francis. "Uuwi ka na?" Nagulat na naman siya sa biglang pagsulpot ni Marcus sa opisina niya habang nag-aayos ng mga gamit niya. Sinulyapan lang niya ang kapatid. Hindi niya alam kung bakit narito na naman ito. "Maaga pa ah," sabi pa ni Marcus sa kanya habang palapit sa desk niya. "What are you doing here Marcus?" Iritang tanong niya sa kapatid. "Pwede ba kong sumama sa bahay mo?" Marcus asked. Napahinto siya sa ginagawa at sinulyapan ang kapatid. "Well, nais ko lang makipag dinner, matagal na kong hindi nagdi-dinner sa bahay mo," tugon ng kapa