Marcus-98

1005 Words

Matapos ang trabaho ni Marcus sinabi nitong mag dinner na muna sila sa labas, para naman daw masulit nila ang pagkakataon na silang dalawa ngayon. Sa bahay kasi ng biyenan niya matutulog si Marc, at bukas pa ng umaga ito babalik sa bahay nila. At syempre hindi naman siya tatanggi sa pa dinner sa kanya ng asawa niya. "Ang sosyal naman dito," bulong niya kay Marcus habang naglalakad na sila sa loob ng restaurant na pinasukan nila. Nakakawit ang mga kamay niya sa braso ng asawa habang naglalakad sila. Kung alam lang niya na may pa dinner sa kanya ang asawa, di sana mas magandang dress pa ang sinuot niya. Ganoon pa man maganda naman ang suot niyang dress ngayon, isa pa kahit naman ano ang isuot niya maganda siya sa paningin ng asawa. "May reservation pala tayo," sabi pa niya nang makaupo na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD