Sa simbahan ng San Miguel sila muling kinasal ni Marcus. Doon kasi ang pinili niyang simbahan, dahil sa bayan ng San Miguel siya lumaki at nagka isip. Saksi ang bayan ng San Miguel sa lahat ng pinagdaanan niya sa buhay. Kung paano siya bumagsak, nasaktan, nadapa at muling bumangon at malampasan ang lahat ng pagsubok sa buhay. Sa ikalawang kasal nila ni Marcus umattend ang kani-kanilang mga pamilya, pati na si Don Marcelo naroon rin para saksihan ang pag iisang dibdib nila ni Marcus. Naroon rin ang mga taong naging malapit sa kanila ni Marcus. Si Lexie na siyang nag-iisang kaibigan niya sa San Miguel ang bridesmaids niya. Si Carlo naman ang naging tulay kung paano sila nagkakilala ni Marcus ang best man ng asawa. Si Marc naman ang napili nilang gawing ring bearer, at ganadong-ganado ito.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


