"Sabi ko na nga ba may good news kang dala pagbalik mo eh. Iba na rin kasi ang kutob ko nang ipagpaalam ka ni Marco na isasama ka niya pauwi ng San Ignacio," litanya ni Angela nang magyaya itong magkape sa isang coffee shop sa loob mismo ng channel 8. Inihatid siya ni Marco kanina sa mismong building ng channel 8, at sinabing makikipagkita daw ito kay Jake, para makapagpaalam na daw ito na isasama siya patungong LA sa weekend. Niyaya siyang sumama ni Marco sa LA para tignan ang bahay na nais nitong bilhin roon. Hindi naman siya makatanggi dahil nais niyang muling makapasyal sa LA, iyon kasi ang bansang nais niyang balik-balikan. "Are you happy now?" Angela asked her, habang hindi maalis-alis ang ngiti niya sa labi. "Obviously, yes, I am happy," nakangiting tugon niya at sumimsim sa kape