Habang kumakain sila sa hapag nag-uusap ang tatlong magkakapatid at si Mr. Leonardo patungkol sa kanya-kanyang negosyo ng mga ito, habang sila naman ni Mrs. Leonardo ay busy sa masasarap na pagkaing pinahanda ng Ginang. "Masanay ka na Savannah, sa tuwing maghaharap ang apat na iyan, negosyo at pagkakatian ang topic," nakangiting bulong sa kanya ni Mrs. Leonardo. Ngumiti naman siya rito at tumango. Sinulyapan si Marco na saktong napalingon din sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata saglit. Una siyang nagbawi ng tingin. Hindi kasi niya mapigilan ang pag kabog ng dibdib niya sa tuwing mahuhuli siya ni Marco na nakatingin rito. "Anyway, Marco nakausap mo na ba si Mr. Benitez? He told me he wants to talk to you, about sa bahay na binibili mo sa LA," narinig niyang sabi ni Mr. Leonardo. "B