bc

Marco Leonardo

book_age18+
7.4K
FOLLOW
55.2K
READ
billionaire
powerful
CEO
drama
bxg
small town
love at the first sight
addiction
model
passionate
like
intro-logo
Blurb

1st Book- Marco Leonardo

2nd Book- Marcus Leonardo

What if a young man like Marco Leonardo came into Savannah's life? Rich, womanizer, dangerous, and he doesn't believe in relationships, especially marriage. But still, she can't resist him. What if Marco is willing to be with her just to keep her away from her ex-boyfriend Francis, to help his friend Hazel?

chap-preview
Free preview
Marco-1
"Savannah! Tumakbo ka na!" Sigaw ng Mommy niya. Nanatili siyang nakatulala. Hindi niya alam ang gagawin. Umiiyak siya, takot na takot habang nakatingin sa Mommy niya na umiiyak din at takot na takot katulad niya. "Susan! Savannah!" Malakas na sigaw ni Ramon mula sa loob ng bakuran. "Tumakbo ka na Savannah! Iwan mo na ko!" Sigaw ng ina at itinulak siya palabas ng gate, habang patuloy si Ramon sa pagsigaw ng mga pangalan nila. "Pero, Mommy, hindi ko po kayo pwedeng iwan kasama ang demonyong iyan!" umiiyak na sabi niya. "Save yourself, anak. I'll be okay. Ako na ang bahala kay Ramon. Ang mahalaga, ligtas ka anak. Huwag ka na muna magtungo dito. Hindi ka sasantuhin ni Ramon," umiiyak na pakiusap ng Mommy niya. "Pero, Mommy." "Susan! Savannah!" Napapitlag siya at mabilis na kumaripas ng takbo palabas ng gate ng malaking bahay ni Ramon. Para mailigtas ang sarili sa kapahamakan, kahit labag sa loob niyang iwan ang ina. Tumatakbo siya na hindi alam kung saan tutungo. Wala siyang sapin sa mga paa. Punit ang suot niyang manipis na pantulog. Magulo ang buhok. Putok ang labi dahil sa malakas na pagkakasampal sa kanya ni Ramon kanina. Namimilipit pa rin ang katawan niya sa sakit. Ramdam pa niya ang hapdi ng sampal sa pisngi at ang mga daliring mariing humawak sa kanya kanina. Mabuti na lang at nakalaban siya bago pa tuluyang maisakatuparan ni Ramon ang balak nito. Pinasok siya ng matandang lalake sa loob ng silid na tinutuluyan niya sa bahay nito. Pinagtangkaan siya ng demonyong iyon habang tulog siya, at nang magising siya nanlaban siya. Kaya ito ang nangyari sa kanya. Mas mabuti pang mamatay na lang siya kesa mapagsamantalahan ng demonyong si Ramon. Si Ramon ang bagong kinakasama ng ina. Isang kilalang direktor si Ramon. Mga horror at action movies ang pinapasikat nito. Isa namang palubog na artista ang Mommy niya. Noong kabataan ng ina, isa itong sikat na sexy star. At ngayon, palubog na ang karera ng ina dahil may edad na, pero patuloy pa rin ang pagtanggap nito ng mga sexy role sa comedy. Binahay ni Ramon ang Mommy niya. Limang buwan pa lang silang nagsasama. Inimbitahan naman siya ng Mommy niya na tumuloy muna sa bahay ni Ramon sa San Ignacio. Para makapamasyal at makalayo saglit sa maingay na lungsod ng Maynila. Ikalawang gabi pa lang niya sa bahay ng lalake nang pasukin siya nito sa guest room. Buti na lang at nanlaban siya at hindi nagtagumpay ang demonyong iyon sa balak nito sa kanya. Patuloy ang pagtakbo niya habang umiiyak sa madilim na kalsada. Hindi siya pamilyar sa lugar. Ito ang unang beses na nakarating siya sa probinsya ng San Ignacio. Malayo-layo rin sa Maynila. Kaya hindi niya alam kung saan siya pwedeng humingi ng tulong sa kalagayan niya ngayon. Siya si Savannah Cortez. Isa siyang sikat na modelo. Maraming nakakakilala sa kanya saan mang sulok ng bansa. Dahil kung saan-saan nalalagay ang maganda niyang mukha at katawan. At kung sakaling may makakita sa kanya ngayong gabi sa itsura at ayos niya, baka hindi siya makuhang makilala bilang Savannah Cortez na supermodel. "Saan ako pupunta?" tanong niya sa sarili. Niyakap niya ang mga kamay sa katawan. Nananakit na ang mga paa niya sa kakatakbo. Mukhang hindi naman siya sinundan ni Ramon. Baka natakot din ito na may makakita rito sa labas at hinahabol ang babaeng punit ang damit. "Hayop ka Ramon!" tagis bagang na sabi niya. "Magbabayad ka rin, Ramon! Tandaan mo iyan!" Mariing banta niya habang tumutulo ang luha sa pisngi. Wala siyang mapupuntahan. Nasa bahay ni Ramon ang kotse niya at bag. Pati pera. Wala, wala siyang dala kahit singko. Umiiyak pa rin siya at tumatakbo sa takot, kahit wala namang direksyon na patutunguhan. Umaasa na may makitang pwedeng masilungan. Hindi na nga niya makita ang paligid dahil sa walang tigil na pag-iyak. Isang piga ng gulong ang narinig niya. Napalingon siya. Isang nakakasilaw na liwanag ang tumambad sa kanya. Sinubukan niyang tignan ng mabuti pero hindi niya nagawa. Dahil dumilim ang buong paligid at naramdaman niya ang pagbagsak ng katawan sa kalsada. Pagmulat ng mga mata niya, nasa isang silid na siya na ngayon lang niya nakita sa buong buhay niya. Inikot niya ang mga mata sa kisame na maganda ang pagkakadesenyo. Dahan-dahan siyang bumangon. Naramdaman ang pananakit ng buong katawan at mabigat na ulo. Inikot niya rin ang mga mata sa loob ng silid. Tanging liwanag na galing sa lampshades ang nakakalat sa buong silid. "Nasaan ako? Anong nangyari sa akin?" magkasunod na tanong niya sa sarili. Napahawak siya sa nananakit na ulo. May nahawakan siyang kakaiba sa may noo. Mukhang nagkasugat siya sa noo at ginamot ng kung sino. Pilit niyang inalala ang nangyari kanina. Ang tanging natatandaan lang niya ay tumatakbo siya patakas sa bahay ni Ramon. Naiwan ang Mommy niya doon. Sa kakatakbo niya, nasilaw siya sa ilaw ng isang kotse. At pagkatapos, ito na ang sumunod na nakita niya. Nasa loob na siya ng isang silid. Kung kanino ang silid na ito, hindi niya alam. "Si Ramon!" nanghihinang sabi niya. Mabilis niyang inalis ang kumot na tumatakip sa katawan. Bababa na sana siya sa kama nang matigilan. Nanlaki ang mga mata nang makitang undies lang ang suot niya. Wala siyang suot na bra. Napahawak ang dalawang kamay sa dibdib. Pinakiramdaman niya ang sarili. Literal na masakit ang buong katawan niya. Pero hindi naman sa parteng pilit niyang pinakikiramdaman. "Bakit ako nakahubad?" tanong niya sa sarili. Binalot niya ang hubad na katawan sa kumot, saka mabilis na bumaba ng kama. Naglakad siya. Naramdaman ang pananakit ng talampakan. Nagtakbo kasi siyang walang sapin sa paa kanina sa kalsada. Kinuha niya ang isang malaking vase na nakalagay sa side table. Kung sino man ang nagdala sa kanya rito at naghubad sa kanya, lalabanan niya. Kung si Ramon ito, magagawa niyang patayin ang demonyong iyon ngayon din. Pinilit niya ang lock ng pintuan. Bumukas. Ibig sabihin hindi ito nakalock. Hindi siya nakakulong sa loob ng silid. Malaya siyang makakalabas. Inihanda niya ang sarili. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kumot na tanging tumatakip sa katawan. Sa isang kamay, mahigpit din ang hawak sa vase bilang sandata sa kung sino man ang masasalubong. May malabong ilaw sa pasilyo nang makalabas siya ng silid. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang mapansing iba ang bahay. Hindi ito bahay ni Ramon. Pero nasaan siya? Anong ginagawa niya dito? Kaninong bahay ito? Sinong nagdala sa kanya dito? Sunod-sunod na tanong sa sarili. Nagtuloy siya sa may hagdan para makababa. Natigilan siya sa dulo ng hagdan nang may marinig na pagbukas at pagsara ng pinto mula sa ikalawang palapag na kinaroroonan niya. Napalingon siya sa paligid. "You are awake," tinig ng isang lalake na unti-unting lumilitaw mula sa dilim. Inihanda niya ang sarili. Inihanda rin ang hawak na vase. Kung kanina nagawa niyang matakasan si Ramon na isang demonyo, paniguradong matatakasan din niya kung sino man ang lalaking nagdala sa kanya sa bahay na ito. Napasinghap siya nang tuluyang masilayan ang lalaking may-ari ng tinig. Bahagya pa siyang kumunot ng noo nang tuluyang makita ang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan. Nakasuot lang ito ng puting t-shirt at sweatpants. Wala itong sapin sa mga paa katulad niya. Kung sa bagay, malinis naman kasi ang sahig. "Kumusta ang pakiramdam mo?" pormal na tanong ng lalake sa kanya. Nakatingin ito sa mukha niya. Hindi lang niya sigurado kung nakikilala siya nito bilang si Savannah Cortez. Ang halos laman ng commercial sa TV at mga billboard sa Maynila at sa mga malls. "Sino ka?" tanong niya. Napansin niya ang pagbaba ng mga mata ng lalake sa kumot na nakabalot sa katawan niya. Napalunok pa siya. Naisip niyang ito marahil ang naghubad sa kanya kanina. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtikhim nito. Mukhang naalala nito ang ginawa nitong paghuhubad sa kanya. Nagtaas siya ng mukha at nagtapang-tapangan para mabura ang pag-init ng magkabilang pisngi sa ginawang pagsuri sa kanya ng lalake. "Para saan ang vase na hawak mo?" tanong nito nang malipat sa kamay niya ang mga mata nito. Anong isasagot niya? Na ibabato niya ito rito kung gawan siya nito ng masama? As if naman sa itsura ng lalaking ito ay gagawan pa siya nito ng masama. Gwapo ito at may magandang pangangatawan. Halatang habulin ng mga babae. Kahit mukhang pormal, pero andoon ang malakas na s*x appeal nito. May kakaibang dating ang lalaki. Tahimik lang itong nakatayo, pero sapat na ang presensya nito para kabahan ang kahit sino. "Sino ka?" tanong niya. Hindi na niya pinansin ang tanong nito sa kanya. "I am Marco. Marco Leonardo. And you are Savannah Cortez, right?" Kahit sa ganitong itsura niya, nakilala siya ng gwapong lalake. Bwisit. Kahit sa ganitong sitwasyon, hindi niya maikakailang gwapo ang lalaking nasa harapan niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.4K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.8K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.5K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook