Trahedya

1065 Words
ARAW NG KASAL, kaba at excited ang nararamdaman ni Darwin, habang nakatayo siya sa harapan ng altar. Kasalukuyan niyang hinihintay ang paglapit ni Esmeralda mula sa bunganga ng simbahan. Nakatayo ito habang suot niya ang mamahaling gown na pangkasal. Habang ang tiyahin at tiyo niya ay nasa magkabilang gilid. Sila ang tumayong mga magulang nito. Sa mga sandaling ito ay hindi maiwasan na maging emosyonal si Esmeralda. Hindi niya pinangarap na maagang makapag-asawa dahil sa kaniyang pag-aaral. Subalit kailangan niya itong gawin alang-alang sa magiging anak niya. Habang dahan-dahan siyang naglalakad patungong altar, ay hindi maiwasang sumagi sa isip niya ang Ninong Tiago nito. Ang tunay na ama sa kanyang pinagbubuntis, ang lalaking minsan niyang minahal. Ngunit dahil sa mga pagsisinungaling nito at dahil sa may asawa na ito, kaya mas pinili niya ang lalaking nasa harapan ngayon ng altar. Ang lalaking tunay na nagmamahal sa kanya at nirerespeto siya bilang isang babae. Nang mapansin ng kaniyang tiyahin ang mga luha na malayang dumadaloy sa pisngj niya, ay agad itong pinunasan at sabay tanong; “Esme, sigurado ka na ba sa desisyon mong magpakasal kay Darwin?” malumanay at halos pabulong nitong sabi. Bahagya namang ngumiti si Esmeralda bago ito sumagot. “Oo, Tiya Faith. Sigurado na ako na nasa tamang tao mapupunta,”bukal sa loob niyang tugon. “Mabuti kung ganoon. Huwag kang mag-alala, dahil nandito lang kami ng Tiyo Rostom mo para alalayan ka,” turan nito. “Salamat, tiya, tiyo,” maikling saad niya. Hanggang sa malapit na si Esmeralda sa harap ng altar at masaya siyang sinalubong ni Darwin. Bago niya kinuha ang kamay ng mapapangasawa ay nagmano muna siya sa tiya at tiyo nito. “Darwin, alagaan mo si Esmeralda at huwag mong paiyakin,” madamdaming bilin ni Mang Rostom. “Oo, tiyo. Pangakong mamahalin ko ang aking mag-ina,” nakangiti niyang tugon. “Ikaw na ang bahala sa pamangkin ko, alam kong nasa mabuting kamay siya.” Sabay abot ni Aling Faith sa kamay ni Esmeralda. “Salamat, tiya.” Tinanggap niya ang palad ng mapapangasawa at hinalikan niya ito. Hanggang sa sabay na silang naglalakad patungo sa harap ng altar. Sinimulan ang simpleng seremonya ng kanilang nag-iisang dibdib. Matatawag lang itong simple sapagkat pili lang ang inimbitahan na mga bisita, at kahit ninong at ninang nila ay tatlong pares lang. Habang patuloy ang seremonya ay mayroong isang lalaki na lihim na pumapasok naka-sombrerong itim ito na halos tinakpan ang kanyang mukha. Siya si Jake, ang kanang-kamay ni Tiago, ang lihim na nagpoprotekta kay Esmeralda at sa magiging anak niya. Labis-labis siyang nasasaktan para sa amo niyana itinuturing nitong nakakatandang kapatid. Palihim siyang kumuha ng mga larawan gamit ang kanyang phone, sapagkat balak niyang ipaabot sa amo nito ang kaganapan sa pag-iisang dibdib ni Esmeralda at Darwin. Hindi rin nagtagal si Jake at umalis rin ito agad dahil sigurado naman siya na ligtas ang mag-ina ng kanyang boss. Masayang nagpapalitan ng mga “I DO” ang ikinasal hanggang sa pareho nilang naisuot ang pares nilang mga singsing. Masaya ang mga magulang ni Darwin dahil ganap ng may asawa ang nag-iisa nilang anak at lalo na't may paparating na silang apo. Hanggang sa natapos ang seremonya at agad silang dumeretso sa isang mamahaling restawran kung saan gaganapin ang salo-salo. Masaya ang lahat na nagtungo roon ang hindi nila alam na malaking panganib ang naghihintay sa kanila. Kararating pa lang nila sa restawran nang mapansin ni Esmeralda ang isang regalo na kulay itim, nakapatong ito sa isang lamesa at agad siyang kinabahan na hindi nito kayang ipaliwanag. Ang kani-kanilang na masaya niyang mukha ay biglang napalitan ng pagka-seryoso. Agad naman na napansin ni Darwin ang ekspresyon ng mukha nang kanyang asawa at tinanong niya ito. “Love, may problema ba? May masakit ba sa’yo?” malumanay nitong tanong. “Love, saan galing ang regalo na iyan?” seryoso niyang balik tanong sa asawa, at tinuro ang nag-iisang regalo sa ibabaw ng lamesa. “Saan?” turan nito. Seryoso na rin ang kanyang mukha habang sinusundan ng tingin ang itinuro ni Esmeralda. Akmang lalapitan na sana ito ni Darwin, subalit maagap na hinawakan ni Esmeralda ang kamay niya. “Mag-ingat ka,” malumanay niyang paalala sa asawa. At tumango naman si Darwin. Naiwan na puno sa pag-alala si Esmeralda at hindi inalis ang tingin sa asawa niya. Nang makalapit si Darwin sa regalo ay maingat niya itong kinuha at pinakiramdaman kung ano ang nasa loob nito. Nang mapansin niya na tila tunog ito ng orasan ay dali-dali niya itong binuksan. Nang mapansin naman ng kaniyang ama na tila abala ang anak niya ay agaran itong lumapit sa kanya. “Huwag kang lumapit, dad!” Agad niyang pigil sa ama. Sapagkat b0mb@ ang laman ng regalo. “B0mb@… B0mb@@@@...” pagsisigaw niya. “Lumabas kayong lahat!” dagdag pa niyang sigaw. Minuto na lang ang natira sa oras kaya iniwan na ito ni Darwin upang iligtas ang kanyang asawa at mga magulang. Nagkagulo ang mga tao sa loob at nag-uunahan sa paglabas. Halos nagsiksikan ang mga ito sa pinto kaya nahirapan silang makalabas. “Loveee…” bulalas ni Darwin, at inalalayan niya ang asawa. Kinuha ni Darwin ang upuan at kanya itong hinampas sa salamin. Nang ito'y mabasag ay agad niyang pinalabas ang asawa. “Halika na!” wika ni Esmeralda, at hinawakan niya ang kamay ni Darwin. Sapagkat gusto pa niyang saklolohan ang ibang taong naipit sa loob dahil sa pagtutulakan. Dahil sa taranta at takot ay nakalimutan ni Esmeralda ang kanyang tiyo at tiya. “Si tiya at tiyo!” taranta niyang sabi at hinahanap niya ang mga ito. “Tiya Faith!” dagdag niyang sigaw at sapu-sapo ang kaniyang tiyan. Nagpapalingon-linga rin si Darwin at hinahanap ang mag-asawa. Subalit parehong hindi mahagilap ng kanilang paningin ang mga ito. “Darwin…” malungkot niyang sambit sa asawa at sabay patak ng mga luha niya. Maagap naman siyang niyakap ni Darwin upang alalayan ito. Ilang segundo lang ang lumipas ay tuluyang sumabog ang b0mb@. Tulala si Esmeralda sa sobrang pagkagulantang dahil sa lakas na pagsabog. Mahigpit naman siyang niyakap ng asawa nang mapansin siya na medyo natakot ito. At maya-maya pa'y sunod-sunod na sigaw ang kanilang narinig habang binabanggit ang mga pangalan ng kanilang mga mahal sa buhay. “Love, hanapin natin sila tiyo at tiya…” wala sa isip na banggit ni Esmeralda. “Sige, love!” pagsang-ayon nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD