“OKAY KA LANG?” ani Jane nang lapitan nito si Aniah. Sinulyapan ni Aniah si Jane. Balik na ulit siya sa dining area upang tumulong sa mga kasamahan niya. “Okay lang,” tipid naman niyang sagot na hindi na ito pinansin pa at dinala na sa kitchen area ang tray na may lamang pinagkainan ng customer. Sa totoo lang, ayaw niyang makipagkaibigan kay Jane. Siguro dahil pakiramdam niya, kaagaw niya ito kay Evo. Malinaw naman kasi sa kaniya na interesado rin ito kay Evo. Hindi naman siya manhid sa bagay na iyon. Kung makikipag-usap siya rito, parang pina-plastic niya lang ito. Ayaw rin naman niya ng ganoon. “Narito ka naman siguro para magtrabaho, ‘di ba?” Napahinto si Aniah sa akmang pagpasok sana sa CR nang marinig naman niya ang boses ni Olivia buhat sa loob niyon. “Ano ba ang problema mo?”