REBECCA'S POV "SIGURADO ka ba na ito na ang tamang panahon para magpaalam tayo kina Momma at Meryl?" may pag-alinlangan na tanong ko kay Uncle Sam bago kami tuluyang umalis. "Yes, sweetheart. Hindi na ako makapaghintay na makabalik sa sinasabi mong dating buhay natin," sagot niya. "Pero wala pa naman tayong babalikan dahil wala pa tayong sariling bahay nang magsama tayo noon, Uncle. Nangungupahan lang tayo sa apartment na pag-aari ng pinsan mo sa Pasay. Tapos 'yong tindahan mo, kinuha 'yon ni Auntie Suzette at ibinigay sa kalaguyo niyang si Rodrigo." "It's okay, sweetheart. Eh, 'di magsisimula tayo uli." Hinalikan niya ako sa noo. "Basta mamumuhay na tayong magkasama. Hindi na ako papayag na mahiwalay sa inyo ng mga anak natin." "Sabagay. Hindi ko na rin naman kakayanin kung maghiwa

