CHAPTER 16—ANG KATOTOHANAN

1444 Words

REBECCA'S POV "GOOD MORNING, Rebecca," bati sa akin ni Rodrigo paglabas ko ng cottage at nasa labas siya. "Good morning din," kaswal na bato ko rin sa kaniya. Hindi gusto ni Uncle Sam na nakikipaglapit ako kay Rodrigo kaya iniiwasan ko na siya. "Saan ka pupunta?" tanong niya nang lampasan ko siya. "Sa cottage ni Uncle. Baka kasi nakalimutan niya kung anong oras tayo aalis, eh. Para makapag-empake na siya." Napakamot sa ulo niya si Rodrigo. "Simula nang umalis tayo sa Manila, palagi ka nang nakadikit sa Uncle mo. Uuwi na lang tayo na siya pa rin ang gusto mong makasama. Hindi tuloy ako maka-porma sa'yo. Kaya nga ako sumama dito dahil sa'yo, Rebecca, eh." "Bakit mo naman ako popormahan?" kung ang noo na tanong ko. Kahit guwapo at makisig din si Rodrigo, hindi ko nakikita ang sarili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD