“Tala….” Her breath was caught in her throat ng makita si Andy na papalapit sa kanya. Sasalubungin na sana ni Iya si Andy but Captain Julliene held her shoulder. Kunot ang noong nilingon niya ito. “Cap?” “Iya. Halika may sasabihin ako sayo.” Lumingon si Iya sa pwesto ni Andy. Bago niya tingnan ulit ang captain niya. “Bakit hindi mo na lang sabihin ngayon Cap?” Ngumisi ito. “Top secret ‘to.” Walang nagawa na sumama siya sa captain nila. As usual Captain Julliene is cheery sunshine in the morning. Parang hindi ito nag jogging kaninang umaga at nag stretching. Hindi niya maintindihan kung paano nakaka-keep up si Coach Thompson dito. Pagkalayo nila sa ibang kasama ay bahagya itong yumuko sa pwesto niya. Malapit sa tenga. “Congratulations! May nakapansin sa galing mo

