CHAPTER 2 (Iya’s POV)

1183 Words
“Wala na naman ba ng kapatid mo?” her mother asked her. Kakababa niya pa lang mula sa kwarto niya para kumain ng umagahan. Yun na agad ang binungad sa kanya ng ina niya.   She shrugged her shoulders. Alam niya kung nasaan ang kapatid niya but she chooses not to say it. “Wala po ba sa kwarto niya?”   Umiling ang ginang. Nakasuot ito ng puting lab coat. Maaga itong aalis sa bahay nila dahil may duty pa ito sa isang local na hospital sa kabilang bayan.   “Andun na naman siya kina Andy. Ano?” Napailing na lang ang ina niya.   Ngumiti siya ng bahagya. Saka dumulog sa pagkainan. “Hayaan niyo na po si Hana. Kaya na niya ang sarili niya.”   Nakita niya ang pag daan ng pag aalala sa mukha ng ina. Siguradong naalala nito ang nangyari noong kidnapping sa kanilang dalawa dahilan kung bakit nabulag ang kaliwang mata ng kapatid niya.   Tumikhim siya.” Asan si Dad?” Iniba niya na lang ang usapan dahil alam niyang hanggang ngayon hindi pa rin maka move on ang ina sa nangyari sa bunso nito. She’s also not comfortable remeniscing the incident. Alam niya ding kaya hindi sila pinapayagan ng ina na pumunta ng Maynila dahil sa nangyari. Takot itong mapalayo sila at mangyari ulit ang nangyari noon.   Ngumiti ito ng tipid. “Nauna na siya. He has a meeting sa mga stock holder.”   Tumango lang siya dito. Saka nag simula na ding kumain. Tumayo agad siya sa lamesa pagkatapos kumain dahil maaga pa lang ay may mga try out na sila para sa mga 1st years. Humalik siya sa pisngi ng ina saka nag paalam dito.   Lumabas na siya ng bahay. Saka sinakyan ang bike niya. She was just biking dahil malapit lang naman ang university dito. Hindi niya kailangang gumamit ng kotse dahil feeling niya lalo lang siyang nakakadagdag sa pollution.   Malapit na siya sa school ng makita ang isang kumpulan ng mga estudyante. Malapit ito sa hilera ng mga kainan at palengke na malapit sa school. Curiosity got the best of her kaya naman lumapit din siya sa kinukumpulan ng mga ito.   The fortune teller is a blind woman. Iyon pala ang pinag kakaguluhan ng mga ito. They are asking her all sorts of questions.   “So kung tunay ka ngang manghuhula. Asan nakalagay ang pera ko?” Isa sa mga estudyante ang nag salita nun na tila sinusubok ito.   The blind woman smiled. “Nasa loob ng bra mo yung 100 pesos tapos meron kang 500 pesos sa ilalim ng socks. Iniiwan mo yung wallet mo sa bahay niyo dahil pag nawala ito. Baka di ka na mabigyan ng allowance ng mama mo.”   “Talaga? Patingin nga?” Nanunukso itong inalaska ng mga kaibigan nito.   Wala namang alinlangan na dinukot nito ang pera nito sa loob ng bra. And all gasped dahil nga sa totoo ngang 100 pesos iyon.   “I’ll give it to you. Magaling ka nga.” Saka nito inihulog ang 100 pesos sa sombrero na andun sa lamesa.   Meron na namang sumubok dito. “Mayron akong matagal ng nawawalang bagay. Nasan yun ngayon?” isang lalake ang nag tanong noon. Gwapo ang lalake at mukhang naiirita na ito sa tingin na binibigay ng ibang tao dito. Merong iba na humahanga at yung iba siguro nababaduyan sa kaniya dahil kalalakeng tao eh nag papahula.   “Hindi mo mahahanap ang hindi naman sa iyo.”   Kumunot ang makapal na kilay nito. “Sa akin yun. Isa kang huwad na manghuhula kung ganun.” Saka ito umalis. Nairita pa nga siya ng masagi siya nito. Nag katitigan sila saglit. Inirapan niya ito. Sumunod naman ang mga kabarkada nito. Pati na din yung ibang nakiki chismis eh umalis na din. Wala na tuloy tao maliban sa kanya.   Ngumiti ito. “Gusto mo bang hulaan kita?”   Umiling siya pero na realize niyang hindi siya nito nakikita. “A-Ah wag na po.”   Alam niyang ito lang ang kabuhayan nito.  Nakaramdam siya ng awa para rito. Kaya naman she reached inside her pocket to give her a 1 thousand peso. Ihuhulog niya sana iyon sa sombrero na nasa lamesa nito, pero hinawakan nito ang kamay niya.   Saka ito nag mulat ng mga mata. Saglit siyang kinabahan. Her heartbeat started beating rapidly in response to the woman’s sudden move. The woman’s eyes are all white. Hindi na kita ang itim ng mga mata nito. Nakaramdam na din siya ng takot dahil sa higpit ng hawak nito sa pulso niya. She was also sweating. Ilang Segundo din kasi siya nitong tinititigan.   “Hindi mahahanap ng lalakeng iyon ang hinahanap niya. Pero ikaw………. Makikita mo na siya. Matatalo ka niya sa bagay na mahal na mahal mo. Nakatadhana kayo sa isa’t isa kahit pa anong gawin mong paglayo. Babae ang mamahalin mo. Kahit anong salin lahi isa lang ang tanda. Ang nunal sa kanyang sentido at sa ilalim ng mga mata.”   “A-Anong ibig niyong sabihin?”   Aalisin niya na sana ng pilit ang kamay nito. Pero kusa na nitong binitawan iyon. Nakakunot ang noo na tinitigan niya ito bago sumakay sa bike niya. Lumingon siya ulit dito pero bigla na lang ito nawala sa pwesto nito. She looked for the possible exit of the woman. Pero wala na talaga ito doon. Tila nag lahong parang bula. Naguguluhang sumakay na ulit siya sa bike niya.   Feeling niya na engkanto siya. But the hands of that woman is real. Kung pano nito hawakan ang kamay niya. Those felt real pero bakit parang imahinasyon niya lang ito kanina? And what is it about that prediction? Babae ang soulmate niya? Parang napaka impossible. Straight siya at kahit kailan ay hindi siya babaliko para lang sa kung sinong babae.   She shrugged it off. Baka nga mabilis lang itong gumalaw. Kaya nawalang parang bula. Or it’s a stunt to pull more customers. Napailing na lang siya. She had to concentrate for the upcoming varsity try out ng mga first years.   “Iya Baby!” Her bestfriend Myra came running towards her. Nakasuot na ito ng uniform nila para sa badminton. She was too. Nag aantay sila sa mga first years na susubok kalabanin ang rookie ng badminton. It was her and her bestfriend. Pagkatapos ng klase nila ay dumiretso na sila dito sa gym.   “Yeah?” Napailing na lang siya sa tinawag nito sa kanya. Tutal sanay naman na siya dito.   Excited siya nitong hinila sa bleachers. Saka ipinilig ang ulo niya sa mga nag aantay na first years na nakaupo din sa kabilang bleachers. Nag aantay ang mga ito para sumunod na mag t try out.   Her bestfriend is 2 inch shorter than her pero matangkad pa rin ito sa height na 5’4. Parang hindi tuloy bagay dito na maging makulit.   “It’s your sister and that cutie Andy!”   Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang kapatid niya, kasama ang bestfriend nitong Si Andrea Villanueva. Her sister is trying out for the badminton team? Akala niya ayaw nitong makasama siya kahit saglit lang sa iisang team?   She chuckled. Ano kayang nag pabago sa isip ng kapatid niya?   “Will you show them no mercy then?” Myra raised her eyebrows.   Napangiti siya. “Don’t worry I won’t kahit kapatid ko pa siya at kababata ko naman si Andy. Mahalaga sakin ang sports na ito kaya kung karapat dapat sila. They will win against me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD