Shock in the Shack

1077 Words
Batanes, Philippines 2018 ARMINA Natakot ako sa biglang pagbukas ng pintuan ng banyo. Inakala ko na multo o kagagawan iyon ng mga maligno. Usap-usapan ang mga kababalaghang nangyayari sa lugar namin. Lalo na’t Biyernes ngayon, nagkalat ang mga elementong hindi nakikita. “Ayyy!” sigaw ko. Kahit sino siguro ay matatakot sa itsura ng lalaking na sa harap ko. Basang-basa ito ng ulan. Napaka tangos ng ilong at tumatagaktak ang tubig ulan sa mukha nito. Para itong prinsipe sa kuwento ni Cinderella guwapo at matangkad. Perpekto ang hugis pusong mukha at nakakatakam ang kaniyang mga labi. Ang pangarap kung maging asawa ay iyong parang katulad sa ginoong kaharap ko ngayon. Hindi ito gumalaw at nanatiling nakatitig sa akin. “Ayyy!” “Ayyy! Malignooo! Lolaaa!” Sumigaw ako nang sumigaw dahil sa takot. Pakiramdam ko na nuno ako sa punso dahil takipsilim na. Sino ang hindi magugulumihanan kung isang matipuno at ubod nang guwapong ginoo ang tumambad sa harap mo?Akala ko totoo na ang mga kuwento-kuwento sa aming sitio patungkol sa mga engkanto. Nakasuot ng puting damit mula ulo hanggang paa ang lalaking nasa harap ko. Inakala ko na isa itong batang ermetanyo dahil dapit hapon na. Sa tuwing alas sais ng gabi raw lumalabas ang mga elemento na ‘di nakikita ng mga mata pero nararamdaman ng katawan. Nangilabot ako sa takot kaya ako nag-sisigaw. “Aaahhhh!” sigaw kong muli ng gumalaw ang elemento. Hinawakan ko pa ang mukha nito at tinapik-tapik ko iyon. “Aaahhhh! Lola Paaaaccccciiiiiingggg!” Tili ko na napakalakas. Sa lakas ng boses ko baka mabasag ang eardrums ng ginoo sa tapat ko. Hindi ito gumalaw sa pagkaka-estatwa sa tapat ko. Tila napako ang lalaki ng ilang minuto sa kinatatayuan niya. Nanlaki ang mga mata nitong kulay abo at nakaawang ang mga labi na nakatitig sa akin. Nakatapis lamang ako ng tuwalya kaya naman nakahantad ang kalahati ng dibdib ko at kitang-kita ang napakakinis na bilogan at mahahaba kong binti. “Sino ka?” Hindi ito kumibo bagkus ay tinitigan lamang ako,“mangboboso ka, ‘no?” Ano ba, Armina? Kung mangboboso ‘yan eh ‘di dapat sumisilip sa labas ng banyo? Eh, nasa loob? Kaharap mo. Bigla yatang nagkanda buhol buhol ang tornilyo ko sa utak dahil isang katangahan ang sunod kong naiusal. “Pag-sasamantalahan mo ba ako? ‘Wag dito.” Nagawa ko pa talagang magtanong bagamat takot na takot ako. At sinabi ko pa talagang huwag sa banyo. Sa itsura ng ginoong katapat ko parang hindi naman iyon ang pakay niya at hindi ito nasa tapat ko para lamang silipan ako. Takot ako, oo. Pero hindi ko naman ramdam ang peligro sa aura niya. Kauuwi ko pa lamang galing sa palengke matapos maglako ng panindang isda buong maghapon. Malakas ang pagpatak ng ulan at humahagupit ang napakalakas na hangin sa labas. May paparating raw na bagyo ayon sa PAGASA. Bigla na lamang sumama ang panahon ng sumapit ang hapon. Hindi na kakaiba sa Batanes ang pagbugso-bugso ng masamang panahon. Daanan ng mga bagyo ang lugar namin kaya naman halos linggo - linggo ay umuulan dito. Mas marami pa yata ang tag-ulan kaysa sa pagdalaw ng haring araw sa lugar namin dito sa Batanes. Pangingisda at pagtitinda ng isda ang kinabubuhay naming mag-lola. May munti kaming puwesto sa palengke na pinundar ko galing sa pagsasa-sideline. Isang dakilang rakista ako kaya kahit anong trabaho ay tinatanggap ko. Sakitin na kasi si Lola Pacing at kailangan ng pang-maintenance na gamot sa sakit niya sa puso at hypertension. Manghihilot si Lola Pacing ngunit pinagbabawalan ko na itong manggamot dahil matanda na. Ngunit likas siyang matulungin lalo na sa mga bata na nilalagnat dahil sa pilay. Sa pagiging manghihilot ni Lolo Pacita, inakala ng mga tao rito na albularyo rin ito. Noong bata pa ako ay tinutukso ako na apo ng mangkukulam. Kaya naman tinatakot ko silang kapag inaway nila ako ay ipapakulam ko sila sa lola ko. Lumaki ako na mailap ang mga tao sa akin dahil sa akala nga nila ako ay apo ng mangkukulam. Kinaulanan naging palakaibigan ko. Nakakasundo ko ang mga tao sa palengke sa bayan at ang mga mangingisda sa aming sitio. Lucky charm raw ako ng mga ito. Dumaraan ang mga binatang mangigisda sa bahay namin ni Lola Pacing bago magpalaot. Kailangan raw nilang masilayan ang aking angkin ganda bago magpalaot upang makarami ng huli ng isda. Ang totoo gusto lang nila talagang siguraduhing ititinda ko ang mga nahuli nilang isda. Isa rito si Rone, Tyrone Bernabe, ang matalik at nag-iisa kong kaibigan. Paminsan-minsan ay sumasama ako sa kanila magpalaot. Madalas ay hinihintay ko na lamang ang mga huli nila at ako ang maglalako sa palengke. Hating kapatid ang kasunduan namin ni Rone at ibang mangingisda. Kahit mahirap ay ginagawa ko ang lahat upang kumita ng marangal. Mabuti na lamang at marami na akong suki sa palengke. Isa na roon si Aling Aaliyah. Parati nitong pinapakyaw ang aking mga paninda lalo na’t kapag meron akong matang baka. Paborito niya raw iyong gawing escabeche. Napakaganda ni Aling Aaliyah ngunit bakas na bakas ang kalungkutan nito sa kaniyang mga mata. Minsan ay sinama ako nito sa kaniyang bahay at tinuruan magluto ng speciality niyang escabeche na naging paboritong putahe na namin ni Lola maging si Rone na minsan ay nakikikain rin sa bahay. Pinakyaw ni Aling Aaliyah ang paninda kong matangbaka kaya ngayong araw ay nakauwi ako ng mas maaga. Sakto naman na binalita sa radyo na may paparating na apat na magkakasunod na bagyo. May oras pa akong itali at lagyan pamigat ang bubong namin upang hindi liparin ng hangin. Katatapos ko lamang ng mabilisang paglagay ng pamigat sa bubong kaya naligo na ako bago magluto ng escabeche. Sinadya kong magtabi ng anim na piraso ng matangbaka para sa hapunan namin ni Lola. Pipritohin ko iyon at saka ko lalagyan ng maraming kamatis at sibuyas. Hindi pa rin gumalaw ang lalaki sa tapat ko. Nahaharangan ako nito kaya’t hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Kaya sumigaw akong muli. “Aaahhhh! Lolaaa! Tuuulooonnngggg!” sigaw ko. “Will you shut up?” sigaw nito sa slang na paraan. Animo’y dayuhan ito magsalita ng Ingles. Kung gaano kapungay ang mga mata nito at kaamo tingnan ang mukha ay siya namang pagka antipatiko nito. Magandang pagmasadan ang mga labi niya na ‘di kakapalan ngunit mapupula at basa-basa pa. Sobrang nakakaakit ang mga biloy nitong malalim na kitang kita kapag nagsasalita. Ngunit saksakan naman ng kasungitan. Ang bastos pa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD