Ang sama ng tingin ni Mavi sa salaming harang nang makaakyat siya sa floor ni Chairman Cibrian. Nakabuyangyang ang barikada, pinatutuloy siya. Himala. Pero wala siyang tiwala sa lintik na pinto na parang may sariling isip. Baka ipitin na naman siya ng walang hiya. “Huwag kang magkakamali. Mainit ang ulo ko.” Banta niya sa machine at dinuro pa nga niya. A blue light is blinking. Kapag pumula iyon, galit na iyon malamang. Kandatulis ang labi niya na humakbang. Natanaw niya ang babaeng maganda at kumaway iyon sa kanya, ngumiti pa. “Tuloy ka na!” Wow, welcome siya. Tinantya niya ang daanan at nang makakuha siya ng bwelo ay kumaripas siya ng takbo papasok. “Ayiiii…” ngiwi siya pero narinig niyang tumawa ang babae. “Chairman temporarily removed the security. It’s safe to pass.” Imporma s