lKAGAYA ng napag-usapan nila ni Mr. Arellano ay sa pagamutan sila magkikita o sa mismong kuwartong kinuha nila para sa binatang martial arts world champion. “Miss, where’s the patient in this room?” takang tanong ng hepe sa napadaang nurse nang makitang wala nang tao, maski ang gamit ng binata at ang bantay nito. Hindi pa nakasasagot ang nurse nang magsalita ang kasama nitong pulis. “Chief, I think may nangyaring hindi maganda. Look!” may kalakasang sambit nito kaya naman napalingon sa kanila ang mangingilan-ilang napapadaan sa bahaging iyon ng pagamutan. Dali-dali namang lumapit ang mga ito sa kasamahan nila at dito nila napagtanto na wala nang buhay ang dalawa nilang bantay. “Check the other patient now!” utos ng hepe na napahihilamos sa sariling palad. “He’s dead already, chief.