"Kain na." T-shirt lang ni Boss Nathaniel ang suot ko. Wala rin naman akong maisusuot na kahit ano kung 'di ito lang mga damit ng lalaki. Mayroon sa likod bahay pero tiyak na magtataka ito once na nagtungo ako roon. Humakbang ako palapit dito. Imbes na maupo sa mismong upuan ay sa kandungan n'ya ako naupo. Kitang-kita ko ang shock nito sa ginawa ko. Pero umarte lang ako na normal lang iyon. Yumakap pa ako sa leeg n'ya at isinubsob ang mukha roon. "Heat!" ani nito na marahang inihagod sa likod ko ang palad n'ya. "What if magpunta rito ang nanay mo? S-asaktan na naman n'ya ako. Babalik na lang ako sa bahay ko sa siyudad. Kaysa rito sa Isla." Ang kaninang palad nito na humahagod sa likod ko ay inihinto nito ang ginagawa, saka niyakap ako. "Hindi n'ya iyon magagawa. Kakausapin ko s'y