Bumalik ako sa Isla na dala ang lahat ng documents na magpapatunay na kay Mama iniwan ni Victor Garalla ang lahat ng yaman n'ya. Ayon din sa video tape na ibinigay ng lawyer, sa akin ibibigay iyon kung hindi tatanggapin ng aking ina. Chopper ang ginamit ko dahil bigla akong nahilo noong nakikita pa lang na papalapit sa pier kanina. "Pluma?" tumakbo palapit si Nathaniel. Mahigpit ako nitong niyakap at paulit-ulit na ibinubulong ang pagka-miss n'ya sa akin. "Bitaw." "No! Tapos ano? Lalayo ka na naman. Mahihirapan na naman akong hanapin ka." "Stop it. Alam nating pareho na hindi tayo pwede." "Bakit? Dahil magpinsan tayo? I don't f*****g care na." "Hindi tayo magpinsan." Gusto kong tumatak sa isip nito na pwede kami, kailangan manatili itong naghahabol. Kailangan ko pa s'ya sa mga p

