Malakas na lumapat sa pisngi ko ang palad ni Donya Zenia Freedo. Umagang-umaga, tanging t-shirt lang ni Nathaniel ang suot ko. Kalalabas ko lang din ng silid dahil kagigising ko nang bumungad ito sa akin na galit na galit. Gusto kong napangisi pero pinigil ko. "Mom!" halos mapalundang ang ginang sa gulat. Bakit ako magre-react? Narito si Nat para gawin iyon sa akin. Agad akong yumakap dito na kunwari'y takot na takot. Iyong reaction na hindi nito nakita noong panahong gigil na gigil itong saktan ako. "Demonyo ang babaeng iyan! Demonyo!" gigil na ani ng ginang. "Stop!" sigaw ni Nathaniel. "Sisirain ka ng babaeng iyan, Nathaniel! Balak n'yang sirain tayong mag-ina. Wawasakin n'ya ang lahat nang pinaghirapan natin." "Nababaliw ka na." Inis na ani ni Nathaniel sa ina. "Of course not!"

