I felt someone brushing my hair as I awoke. Gently and sweetly, as though lulling me back to sleep. It was cold all around me, and there's also a strange, familiar smell that stings my nose. "Baby, I'm always here for you. We will get through this," I heard someone mutter, and then felt something touch my forehead. Marahan akong nagmulat at bumungad sa akin ang namumungay na mga mata ni Zachary. Bakas ang pag-aalala at pamomroblema sa kaniyang mukha. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at halos nangingitim din ang ilalim ng kaniyang mga mata, tila ba ilang araw siyang hindi nakatulog. Blangko lang naman ang ekspresyon ko, binalewala ko ang kaniyang presensya at inilibot ang paningin ko sa paligid. Puro puti ang pintura ng silid, nakahiga ako sa isang hospital bed habang may nakakabit na dextr