The white ceiling welcomed me the moment I opened my eyes. I can also smell the chemicals that surround the room. I am in the hospital, I'm sure of that. Marahan kong inilibot ang aking paningin. Walang tao bukod sa akin. Napakunot ang noo ko nang mapansin ang s'werong nakaturok sa aking pupulsuhan. Kailangan ba ito? Napabuntonghininga na lamang ako at napatitig muli sa kisame. Normal na ito sa akin; ang atakihin sa tuwing nakakakita ako ng dugo. Nagsimula ang lahat noong nakunan ako. Maski ang buwanang dalaw ko ay hindi ko matagalan. May cases na hindi naman ako inaatake, iyon ay kapag clouded ang isip ko sa ibang bagay. Yes, it fvcking traumatized me. Natuon ang atensyon ko sa pintuan nang lumagitnit iyon. Unti-unti ay lumitaw ang bulto ni Zachary. Seryoso ang kaniyang mukha habang