Naalimpungatan si Jamellah nang naramdaman niyang parang may ibang tao sa kaniyang opisina. "Mommy, Daddy, nandito pala kayo." Naupo siya at inayos ang kasuutang nagusot dahil sa pagtulog. "Gabi na anak. Pero bakit hindi ka pa umuuwi? Look at yourself, Iha. May problema ka ba at dito mo pa yata balak matulog?" mahinahon at kalmadong tanong ni MJ sa anak. "Daddy." Napatungo siya habang kalong-kalong ang lunch box na may lamang pagkain ang dala ng pinsan at bestfriend niya. Ang masarap na biryani chicken. Lagi iyon na pinapadala ng tiyahin niya o ang asawa ng Tito Chester niya sa tuwing dumadalaw ang pinsan na best friend niya. Alam naman kasi nila na paborito niya iyon. "Tama ang Daddy mo anak. Mukhang dito mo pa yata balak matulog ah. See those foods? Kailan ka pa naging burara ana

