MAGMULA nang malaman nila na buntis siya ng pitong linggo. Kung ano-ano na lang ang mga pagkain na niluluto ni ML. Kahit may taga-luto naman sa mansyon mas gusto ng asawa na ito ang gumawa ng pagkain niya. Hindi na rin ito masyadong umaalis ng mansyon kung hindi talaga kailangan. Ang lahat ng oras ay inilaan sa kaniya upang hindi daw siya mainip sa loob ng mansyon. “Master ML, ilang beses nang may nag-attempt na pasabugin ang building nyo ni Mr. San Diego.” wika ni Jacob, saka inabot ang tablet sa kaniya. “Alam na ba ng kaibigan ko ang tungkol doon?” “Sa palagay ko alam na niya at baka iyon ang isang dahilan kaya gusto niyang magkita kayo doon.” “Tawagan mo na lang ang kaibigan ko at sabihin mo pumunta siya dito. Pag uusapan muna namin kung ano ang hakbang na gagawin. Ayaw kong sa co