SA dalawang magkasunod na hearing ay agad natapos ang kaso. Natanggalan ng lisensya ang sikat na pintor Mitch Gallardo. At bumagsak ang career nito. Hindi talaga pumayag si Mariz na manatili ito sa kasikatan. Kaya ngayon ang mga billboard ng babae ay napunta sa basurahan. Tinawagan ni Mariz ang mga magulang niya. At sinabing handa na silang umuwi ng Pilipinas. Para sa kasong isasampa nila kay Mrs. Luzviminda Valdez Morelia. Doon talaga nag-file ng kaso ang mga magulang niya dahil sa sariling bansa nangyari ang krimen. Pinuntahan ni Adrian Damian ang ina sa silid nito. Upang sabihin na maghanda para sa pag-alis nila. Dahil bukas ng umaga ang flight nila. “Ibig sabihin ba anak doon na muna tayo mag-stay sa Pilipinas?” “Hindi ko pa po alam pero sigurado mananatili tayo doon hanggang hindi