KUMAKAIN sila pero ang focus ni Marielle, naroon sa mga taong nagkukuwentuhan. “Baby, sa akin ka tumingin hindi kung saan saan, huh!” ani Blake. “Ano ang dapat kong makita sa mukha mo para diyan ako tumingin?” “Syempre ang ka gwapuhan ko nang ganahan ka sa pagkain.” Ngunit ang gagawin pagsagot ay hindi nagawang ituloy. Natanaw niya ang babaeng kumandong at humalik sa pisngi ni Blake. Kaya mabilis na dinampot ang pinggan at nagmamadaling tumalikod. Binilisan din niya ang lakad at bumalik na lang siya sa kaniyang kwarto. Ngunit nang nasa pasilyo na siya ay hindi na alam kung alin ang silid niya. Dahil pare-pareho ang pintuan. “Saan ka pupunta, Ms. Ganda?” “Ahm… doon sana sa kwarto ko kaso nakalimutan ko anong numero.” Saka niya naisip ang silid ni Blake. “Saan ba ang kwatyo ni Mr. Bla