PAGTATAKA ang nasa mukha ni Carissa Morgan, habang inaayusan ng dalawang makeup artist. Ang sabi ng mga magulang advance gaganapin ang wedding anniversary ng mga ito. Pero bakit pati siya kailangan lagyan ng makeup? At nais niyang taungin ang dalang binabae kung bakit pati siya ay aayusan ng mga ito. Pero obvious na umiiwas sa kaniya na matanong isa man sa mga ito. Patunay ang earphones na nakalagay sa tainga. Kanina pa niya sinusubukan tawagan ang kaibigan pero hindi ito makontak. Si Mark Keir, ay walang signal ang cellphone. At ang mga pinsan na dumating para mag-attend ng wedding anniversary. Isa man sa mga ito ay nakasara din ang cellphone. Kaya ang ginawa ay pumikit na lamang at sinikap balewalain. Ayaw niya ma-stress sa pag iisip. Umabot ng halos dalawang oras bago natapos ang pag